Balita

Katatagan at pamamalagi

- Manny Villar

PINAKAMAHA­LAGA na marahil para sa mga mamumuhuna­n at sinumang may pagpapahal­aga sa paglago ng ekonomiya ang mga salitang katatagan at pamamalagi.

Hinahanap ng mga mamumuhuna­n ang mga pamilihan na maaasahan ang kapaligira­n sa negosyo at kalakalan. Ayaw nila ng kaguluhan sa pulitika, kabuhayan at lipunan, gaya ng digmaan at mga pag- aalsa laban sa pamahalaan, na humahadlan­g sa malayang pagnenegos­yo.

Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ako na patuloy ang paglago ng ekonomiya sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Positibo ang pananaw ng pribadong sektor sa kanyang pagtutok sa kapayapaan at kaayusan at sa seguridad.

Isa pang mahalagang indikasyon ng katatagan ay ang pamamalagi ng mga polisiyang pangkabuha­yan at negosyo. Ayaw ng mga negosyante ang pabago- bagong polisiya at ang biglang pagpapalit ng mga namamahala sa ekonomiya.

Kaya ikinagalak ko ang pasya ng Pangulo na hirangin si Nestor Espenilla, Jr. bilang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ni Amando Tetangco, na bababa sa kanyang puwesto sa Hulyo pagkatapos magsilbi ng dalawang tig-aanim na taong termino.

Ang desisyong ito ng Pangulo ay katiyakan ng katatagan at pamamalagi hindi lamang sa pagganap ng BSP kundi sa kabuuang polisiya sa pananalapi at ekonomiya.

Maging si Ginoong Tetangco ay pinuri ang desisyon ng Pangulo. Ayon sa kanya, mataas ang paggalang kay Espenilla ng mga bangkero at maging ng ibang bangko sentral sa ibang bansa.

Pinatatag din ng desisyon ng Pangulo ang katayuan ng Pilipinas bilang pinakamabi­lis na umunlad na ekonomiya sa Asya. Ang karanasan ni Ginoong Espenilla, kasama ang mga economic managers, ay makatutulo­ng sa patuloy na paglago ng ekonomiya sa ilalim ng administra­syong Duterte.

Binabati ko si Governor Tetangco sa maganda niyang pagganap sa loob ng 12 taon. Pitong ulit siyang itinanghal ng Global Finance magazine na isa sa nangunguna­ng pinuno ng bangko sentral sa buong daigdig.

Inaasahan ko naman na ipagpapatu­loy ni Governor Espenilla ang sinimulan ng kanyang pinalitan at ang pananatili ng katatagan ng kapaligira­n sa pagnenegos­yo upang makamit ang hangad ni Pangulong Duterte na maibigay sa mga mamamayan ang kaunlarang nararapat sa kanila.

Bahagi na siya ngayon ng economic management team na kinabibila­ngan nina Finance Secretary Carlos...

Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, at NEDA Secretary Ernesto Pernia. Kumpleto na ngayon ang mga namamahala sa ekonomiya na tutulong sa Pangulo sa pagpapatup­ad ng “Dutertenom­ics,” ang kanyang plano para sa maunlad at payapang Pilipinas.

Sang-ayon ako sa sinabi kamakailan ni Secretary Dominguez, na nasa atin na ang lahat ng magagandan­g katangian, at panahon na para umarangkad­a ang ekonomiya ng Pilipinas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines