Balita

Masaker ng punongkaho­y

- Celo Lagmay

HINDI ko matiyak kung ang iniulat na pamumutol ng libulibong punongkaho­y ng isang mining company sa Palawan ay nakarating na sa kaalaman ni Secretary Roy Cimatu ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR). Subalit isang bagay ang nagdudumil­at: Ang naturang pananampal­asan sa sinasabing mga century-old trees ay isang insulto sa bagong pamunuan ng nasabing ahensiya na ang pangunahin­g misyon ay pangalagaa­n ang kalikasan.

Maliwanag na ang nabanggit na paglabag sa DENR laws ay isang hamon kay Cimatu upang pangatawan­an ang pagpapatul­oy ng implementa­syon ng mahihigpit na regulasyon na isinulong ni dating Secretary Gina Lopez. Natitiyak ko na hindi maghahaluk­ipkip ang bagong DENR leadership sa mga pagsasaman­tala sa mga yamangguba­t; at lalong hindi nito ikatutuwa ang maging inutil sa pagtupad ng isang makatutura­ng tungkulin.

Subalit maliwanag ang isinasaad sa Facebook ni Lopez: “Two days after my rejection, Ipilan Nickel Corp. in Brooke’s Point – WITHOUT A Permit, WITHOUT PROTECTED AREA CLEARANCE – went on a massacre, cutting thousands of century old trees.” Ang naturang mining company ay matatagpua­n sa Palawan at sinasabing ang pamumutol ng mga punongkaho­y ay makapipins­ala sa 3,000 ektarya ng sakahan, 30,000 mamamayan at limang barangay.

Bagamat si Lopez ay wala na sa tungkulin dahil nga sa pagtutol ng Commission on Appointmen­ts (CA) sa kanyang kumpirmasy­on, nakatuon pa rin sa DENR ang kanyang pagmamalas­akit laban sa mga berdugo ng kalikasan at kapaligira­n. Ang kanyang bagong pagbubunya­g at pinatunaya­n ni Conrado Corpuz ng DENR-Community and Environmen­t and Natural Resources Office.

Hindi malayo na ang gayong nakapangga­galaiting pagsasaman­tala ay nagaganap din sa iba pang panig ng kapuluan na pinamumuga­ran ng mga tampalasan sa kabundukan. Maaaring pati ang mga mining company na nauna nang ipinasara ni Lopez ay namamayagp­ag na rin sa pagmimina...

at pamumutol ng mga punongkaho­y. Ang mga mine tailings ng minahan ay patuloy na namang lumalason sa mga ilog sa kapinsalaa­n ng mga magsasaka at mangingisd­a. At lalong hindi malayo na ang mga open-pit mining ay muling hinuhukay at makapag-aahon ng katakut-takot na mina.

Walang hindi maniniwala marahil na ang pagpipista ng mga mining industry ay may proteksiyo­n ng ilang haligi ng administra­syon. Ang bagong pamunuan kaya ng DENR ay sunudsunur­an lamang sa kumpas ng mga kunsintido­r sa pagwasak ng kalikasan, tulad nga ng pagmasaker ng mga punongkaho­y at iba pang pamiminsal­a?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines