Balita

Tumahimik ka na lang --Teresa Loyzaga

- Ni REGGEE BONOAN

NAGDIWANG ng kaarawan si Diego Loyzaga nitong nakaraang Linggo kasabay ng 25th anniversar­y ng Star Magic sa Smart Araneta Coliseum.

Post ng isa sa mga bida ng Pusong Ligaw kasama ang kapatid niyang si Angelina, “Sobrang saya at swerte ko nai-celebrate ko ang kaarawan ko ngayon araw kasabay ng 25th Anniv ng Star Magic sa Araneta. What made it even better is that I got to perform with my sister @angelinais­abeledefin­itely made my day fl love you, Butching! Salamat din sa lahat ng bumati. Sa @asapoffici­al@ starmagicp­hils fam!” Binati kaya ni Cesar Montano ang anak? Anyway, advise ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga na manahimik na lang si Diego tungkol sa hindi nila pakakainti­ndihan ng tatay niya. Sinabi ni Teresa sa guesting sa Magandang

Buhay na hindi problema ang tingin niya sa gulo ng mag-ama.

“Huwag naman nating sabihing problema. Nagkaroon lang ng... not even conflict, eh. Gusto kong sabihin, iwan na natin sa kanila ‘yun.

“Kung anuman ang nangyari, sila rin mag-aayos niyan. Kasi, the more we meddle, pakialamer­o lang ang labas natin. Hindi naman natin maaayos. Ang makakaayos, sila din,” paliwanag ng aktres.

Ang mensahe ni Teresa kay Diego, “Be quiet. Just be quiet. I know you’re affected, but be quiet. Kasi it means less error. Mas konti sasabihin, mas konti pagkakamal­i. Tumahimik ka na lang.

“Lilipas din lahat ‘yan. Nailabas mo na, eh. One point ka na, tama na. At saka alam naman natin na mahal siya ng tatay niya. Naniniwala ako du’n.”

At ang sagot ni Teresa sa maraming tanong kung bakit tahimik siya nu’ng kainitan ng isyu:

“I cannot wait for all of these to die down and for people not to meddle. Pero hindi mo naman maalis sa tao ‘yun, gusto nilang to give their two cents. Pero I think normal lang sa tao, so hindi ko sila masisi. Sana ang gawin na lang natin, let’s pray na maayos. Lahat naman maaayos in time. Let’s not push it. Huwag natin silang pilitin,” katwiran ng dating karelasyon ni Cesar.

Samantala, tiyak ipinagmama­laki ni Teresa si Diego sa mga papuring maruno na itong umarte at may pagmamanah­an daw.

Kuwela ang aso’t pusang drama nina Diego at Sofia Andres sa Pusong Ligaw at marami ang nakaka-relate sa mga eksena nila dahil makatotoha­nan daw. Inaabangan din ang bakbakan nina Bianca King at Beauty Gonzales ngayong may kanyakanya na silang kasama sa buhay na sina Joem Bascon at Raymond Bagatsing.

 ??  ?? Teresa at Diego
Teresa at Diego

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines