Balita

‘Ang Probinsyan­o,’ ‘di matinag ang ratings

-

SINUBAYBAY­AN ng mas maraming manonood ang inabangang kasalan nina Cardo ( Coco Martin) at Alyana ( Yassi Pressman) sa FPJ’s Ang Probinsyan­o, kaya naman hindi ito natinag sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang pagtatapos ng dati nitong katapat noong Biyernes (Mayo 19) at ang pag-uumpisa ng bago nitong katapat noong Lunes (Mayo 22).

Tinutukan ang pag-iisang dibdib ng dalawa noong Biyernes at katibayan ang naitalang 36.6 na national TV rating ng aksiyon-serye, kumpara sa pagtatapos ng Encantadia ng GMA na nakakuha naman ng 27%, ayon sa TV viewership survey data ng Kantar Media.

Nagpatuloy ang madamdamin­g kasalan at nagsimula naman ang maaaksiyon­g eksena sa serye hanggang Lunes, na nagtala naman ng national TV rating na 41.1%, laban sa paguumpisa ng Mulawin vs Ravena na nagtala naman ng 22.5%.

Tinutukan din ng netizens ang mga makapigil- hiningang tagpo sa serye dahil naging trending topic sa Twitter ang official hashtags ng palabas na # FPJAPKasal at #FPJAPSingi­lan at nakakuha ng libu-libong tweets.

Samantala, sa pag- aakalang tapos na ang mga kaguluhan, aabot na sa sukdulan ang tapatan nina Cardo at Joaquin ( Arjo

Atayde) ngayong hawak na ng huli si Alyana at ilalagay ang buhay nito sa kapahamaka­n. Pero hindi titigil si Cardo hangga’t hindi siya nababawi sa mga kamay ng mortal na kalaban at sisiguradu­hing pagbabayar­an nito ang lahat ng kasalanan.

Abangan kung kaninong buhay ang mapapahama­k? Maisalba kaya ni Cardo ang kanyang asawa? Magtagumpa­y kaya si Joaquin sa mga plano niya?

Huwag palampasin ang maaaksiyon­g tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyan­o, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondeman­d.com.ph para sa Sky subscriber­s.

 ??  ?? Yassi at Coco
Yassi at Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines