Balita

Drake, wagi ng 13 tropeo sa Billboard Music Awards

-

NAIUWI ng rapper na si Drake ang makasaysay­ang 13 tropeo sa 2017 Billboard Music Awards nitong nakaraang Linggo, binura ang record na 12 awards na nasungkit ni Adele noong 2012.

“I want to say, hold tight Adele, because when a new thing drops you’ll be back to get the record back,” wika ng Canadian recording artist nang tanggapin ang isa sa mga tropeo niya sa star-studded event na ginanap sa Las Vegas. Special mention si Vanessa

Hudgens, na nag- blush nang ipagsigawa­n ni Drake ang kanyang paghanga rito.

“We’re all here on earth for a limited amount of time and we gotta show love while we’re here,” sabi ni Drake nang tanggapin ang top album award, “so tonight, I wanna say Vanessa Hudgens, you look incredible tonight.”

Kalaunan ay nagpakuha ng litrato si Drake, nanalo rin ng top artist, top male artist at top rap album para sa

Views, na napalilibu­tan ng kanyang mga tropeo na hugis mikropono.

Ang three-hour show -- hosted ng hip-hop artist na si Ludacris at ng dating High School Musical star na si Vanessa – ay nagtampok din ng mga pagtatangh­al nina Miley Cyrus, The Chainsmoke­rs, Nicki Minaj at Imagine Dragons.

Si Beyonce at ang Twenty One Pilots ay nag- uwi ng tiglimang award, ngunit kapwa hindi nakadalo sa seremonya. Tumanggap ang Chainsmoke­rs ng apat na awards, kabilang ang top collaborat­ion at top hot 100 song para sa Closer kasama si Halsey.

Napanaluna­n ni Blake Shelton ang award para sa top country artist, at ang top country song ay napunta sa Florida Georgia Line.

Ang Can’t Stop the Feeling ni Justin Timberlake ang nanalo ng top-selling song at top radio song.

Iginawad ang Icon Award for achievemen­t in music kay Cher, 71, na nagbigay ng madamdamin­g talumpati pagkatapos itanghal ang dalawa sa pinakasika­t na awitin niya – ang Believe at If I Could Turn Back Time.

“I want to thank my mom because when I was really young, my mom said, ‘You’re not going to be the smartest. You’re not going to be the prettiest. You’re not going to be the most talented, but you’re going to be special,’” sabi ni Cher.

Emosyonal din ang pagtatangh­al ng Canadian singer na si Celine

Dion sa kanyang award-winning song na My Heart Will Go On mula sa soundtrack ng pelikulang Titanic bilang pagdiriwan­g sa 20 taong lumipas simula nang ilabas ito.

Si Celine, naging Billboard Icon noong nakaraang taon, ay naging biyuda ng kanyang asawa at dating manager na si Rene Angelil na namatay dahil sa cancer noong 2016.

 ??  ?? Vanessa at Ludacris
Vanessa at Ludacris
 ??  ?? Drake
Drake

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines