Balita

Psy sa kasikatan: ‘It was like an addiction’

-

BACK to basics ang South Korean rapper na si Psy sa kanyang ikawalang full-length album, mas pinagtuuna­n ng pansin ang kanyang mga lokal na tagahanga habang patuloy sa kuwelang pagtatangh­al sa entablado.

Sinabi ng Gangnam Style singer na naka-move on na siya sa tagumpay ng kanyang 2012 smash hit na naghatid sa kanya sa tuktok ng music charts sa buong mundo at nagpasikat sa kanya saan mang bansa sa buong daigdig.

“Gangnam Style gave me fame while as a creator, some rough times, but I’m not one to linger in the past and make two, three, four versions of ( Gangnam Style) because I’m hung up on its fame,” sabi ni Psy sa Reuters.

“It was probably the biggest trophy the world could have given me. It’s now something on the shelf I can admire from time to time.”

Hapo ang boses sa walang katapusang pagtatangh­al sa mga unibersida­d, sinabi ni Psy o Park Jai

sang, 39, na nakalimuta­n niya ang kanyang ugat dahil sa kasikatan ng

Gangnam Style, ang may hawak ng world record para sa most watched video na mayroong 2.8 billion views sa YouTube sa huling pagsilip dito nitong Mayo 22.

Sa kasalukuya­n ay mayroong 10 million subscriber­s sa kanyang official YouTube channel -- na isa ring record para sa isang non-group individual sa Asia.

“It was like an addiction,” sabi ni Psy. “Like when you throw a party, it takes some time for that excitement to die down after it’s over. I think it took a while for that exhilarati­on to subside. Now I’m back to my normal life.” At saan nga ba nagsimula ni Psy? Sa pagtatangh­al sa entablado, aniya. Ang lahat ng kanyang appearance­s ay may kaugnayan sa bago niyang album na ang 4x2=8, na may singles na I Luv It at New Face na nagdadala ng mensaheng ito.

Nais ni Psy, bumulaga sa eksena noong 2001, na manatili sa entablado hangga’t makakaya niya, ngunit ang pinakamala­ki niyang pangarap ay magretiro bago pa man siya masabihang laos na.

“I think the pain from being called that would be far greater than not being able to be on stage,” ani Psy.

Ayon kay Psy, may dalawang anak, nais niyang mas ituon ang kanyang pansin sa produksiyo­n at tulungan ang mas nakababata­ng artists. Bilang singer ay natamo na niya ang lahat ng kanyang pinangarap — at higit pa.

Nang tanungin kung nawalan ba siya ng privacy dahil sa katanyagan ng Gangnam Style, napatawa si Psy at sumagot ng hindi.

“Without my sunglasses and hair gel, I obtain freedom,” aniya.

 ?? Psy ??
Psy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines