Balita

Walang kukurap sa Hotshots at Bolts

- Marivic Awitan

UNAHAN sa solong liderato ang Star Hotshots at Meralco Bolts sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ngayon sa pagpapatul­oy ng aksiyon sa 2017 OPPO-PBA Commission­ers Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuya­ng magkasalo sa pangunguna hawak ang parehas na barahang 7-2, magkakasub­ukan ang Hotshots at Bolts ganap na 6:30 ng gabi matapos ang sagupaan ng NLEX at Alaska ganap na 4:15 ng hapon.

Magkataliw­as ng kapalaran sa huli nilang laban may dalawang linggo na ang nakakaraan, magtatangk­a ang Hotshots na palawigin ang naitalang threegame winning streak, habang magtatangk­a namang makabalik sa winning track ang Bolts kasunod ng natamong 86-94 na kabiguan sa Globalport noong Mayo 10.

Matinding bakbakan ang inaasahan sa pagitan ng dalawang koponang kapwa naghahanga­d na makapuwest­o sa top two papasok ng playoff round.

Sasandigan ng Star ang bagong import na si Ricardo Ratliffe para sa target na ikaapat na dikit na panalo habang sigurado namang mangunguna si import Alex Stephenson sa pagbangon ng Meralco.

Mauuna rito, target ng NLEX ang napakailap na unang panalo sa pagtutuos nila ng Alaska na tangka namang sumalo sa Rain or Shine sa ikaapat na puwesto.

Tulad ng Meralco, magtatangk­a ring makabalik ang Aces sa winner’s circle kasunod ng nalasap na kabiguan sa kamay ng Talk N Text sa nakaraan nilang laro noong Sabado sa Legazpi City.

Sa pagkakatao­ng ito, inaasahan ng maglalaro para sa Aces si Gilas standout Calvin Abueva na hindi nila nakasama sa Bicol sa nakalipas nilang laro.

 ??  ?? RATLIFFE
RATLIFFE
 ??  ?? STEPHENSON
STEPHENSON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines