Balita

Darna, si Liza Soberano na?

- Ni REGGEE BONOAN

NAPAKARAMI ng fans na nakikipag-chat sa amin para itanong kung bakit daw hindi kasama si Liza Soberano sa upcoming TFC shows ng Star Magic artists sa Canada sa November at gayong naroon naman daw si Enrique Gil.

Sinubukan naming magtanong sa tagaStar Magic pero sinagot kami ng, “meeting now.”

Tinext namin ang manager ni Liza na si Kaibigang Ogie Diaz.

“Kelan? This November?” baliktanon­g niya sa amin.

Sinagot namin ng, ‘Hindi ko alam kung kailan, ‘daming fans nagtatanon­g sa akin, kaya nga ask kita.’

“Ang alam ko kasi teleserye taping ‘yan, eh. Baka kasi mabitin at mag-handto-mouth ang taping kaya hindi muna siya sinama,” paliwanag ni Ogie. “Pero next year, Holy Week, kasama na siya.”

Hirit namin, ‘ Si Enrique raw kasi kasama, kaya nagtataka sila (fans) kung bakit si Liza hindi isinama.’

“Puwede naman silang (Liza at Quen) hiwalay, solo-solo sila. Saka dami naming pending na endorsemen­t shoots din,” dagdag paliwanag ng manager ng aktres.

Huling hirit namin, ‘Sino ba ang final na Darna?’

“Di ko pa alam, alamin mo nga,” kaswal na sabi ni Ogie.

Hmmm, hindi nga kaya si Liza, Bossing DMB? Kasi, bakit nga hindi siya pinasama sa show sa Canada? Ibig sabihin, importante ‘yung gagawin dito ng aktres para isakripisy­o niyang hindi makasama ang ka-love team niya, e, iyon ang gusto ng fans.

Saka bakit si Liza lang ang may taping, si Enrique wala? Ibig sabihin, hindi sila magkasama sa seryeng gagawin ng dalaga?

Hmmm, tunugan mo nga, Bossing DMB.

( Editor’s note: Naku, andami ko nang inuusisa tungkol sa magbibida sa Darna, lahat sila ayaw magsalita. Pero mukhang may makakahoy ka rito. Isang araw bago lumabas ang isyu na si Kathryn Bernardo na raw ang napili, nakasabay ko sa elevator ng ELJ Building ng ABS-CBN si Angel Locsin. Sa madaliang kuwentuhan, naitanong ko kung totoong si Kathryn na nga. “Ang alam ko iba...,” sagot ni Angel na siya pa ring gusto ng fans na gumanap sa much coveted role hanggang ngayon.)

 ??  ??
 ??  ?? Liza
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines