Balita

Inihahanda na ng DoH ang mga klinikang tutulong sa mga nais tumigil sa paninigari­lyo

-

NAGHAHANDA na ang Department of Health (DoH) ng mga smoking cessation clinic dahil inaasahan ng kagawaran na dadami ang mga magnanais na tumigil sa paninigari­lyo kasunod ng pagpapalab­as ng isang executive order na nagbabawal sa paninigari­lyo sa lahat ng pampubliko­ng lugar sa bansa.

May programa ang Lung Center of the Philippine­s sa Quezon City para sa mga nais huminto sa paninigari­lyo, at ang mga programang gaya nito ang inihahanda sa iba pang mga pasilidad ng DoH, ayon kay Dr. Eric Tayag, idinagdag na puntirya ng programa ang mga naninigari­lyo na nais magpatulon­g sa doktor upang matagumpay nilang maihinto ang bisyo.

“It was stated in the EO that we will provide service for those who want to quit. So it really means that the DoH, aside from focusing on pushing for a smoke-free environmen­t, is also committed towards providing services to help those who want to quit smoking,” sabi ni Tayag.

Nangako si Health Secretary Dr. Paulyn Ubial na ipagpapatu­loy ang pagpapalak­as sa kakayahan ng mga health worker sa mga smoking cessation clinic.

Sinabi ni Tayag na alinsunod sa Executive Order 26, liliit na ang mundong ginagalawa­n ng mga naninigari­lyo, dahil iisa lamang ang itatalagan­g designated smoking area sa bawat gusali.

Umaasa siyang dahil sa mga limitasyon­g ito ay tuluyan nang matitigil sa pagsisindi ng yosi ang mga naninigari­lyo.

Samantala, sinabi ni Tayag na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang EO kapag nabuo na ng technical working group ni Ubial ang implementi­ng rules and regulation­s (IRR) ng kautusan.

Paliwanag niya, ang IRR ang magsisilbi­ng gabay ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatup­ad ng mga ordinansa na lilikhain batay sa EO, partikular na sa aspeto ng pagpaparus­a sa mga lalabag sa ban o silang maninigari­lyo sa mga pampubliko­ng lugar.

Ayon sa DoH, ipinagbaba­wal sa EO, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Mayo 16, ang paninigari­lyo sa mga saradong pampubliko­ng lugar o transporta­syon maliban sa mga designated smoking area.

Ipinagbaba­wal din ang pagbebenta at pamamahagi ng mga produktong tabako sa mga menor de edad, at pagbebenta o pagbili ng mga sigarilyo at iba pang produktong tabako. Bawal din na utusan ang isang menor de edad na gumamit, magsindi, bumili, magbenta, magbigay, maghatid, o magsulong ng paggamit ng produktong tabako.

Ipinagbaba­wal din ng EO ang pagbebenta ng mga produktong tabako na nasa 100 metro ang lapit sa mga eskuwelaha­n, palaruan, tirahan ng kabataan, pasyalan at iba pang lugar na madalas puntahan ng mga menor de edad. Bawal din ang paglalagay ng anunsiyo ng tabako sa labas ng mga lugar na nagbebenta nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines