Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

-

Ikasiyam na labas

HINDI

matuluy-tuloy ang pag-alis ni Efren para pumasok sa opisina. Hindi kasi niya maiwan si Deth na nagtatampo at gumagawa ng kung anu-anong diskusyon. Anyway, sanay na siya sa ugali ng kanyang misis. At mahal na mahal niya yata ito.

Kinukusut-kusot ni Deth ang kanyang mga mata. Gumagawa ba ng artipisyal na sore eyes? Mula sa pagkakadun­gaw, pumihit at tumitig sa twelve inches nilang telebisyon na nakapatong sa munting mesa sa isang sulok. Huminga nang malalim.

“’Tong inutil na TV na ito… madalas kong makatuluga­n. Nabubulag na yata ako sa mga teleseryen­g panahon pa ni kupungkupo­ng! Mabuti sana kung malinaw. Humpt! Parang horror nang horror ang palabas!”

Sandaling katahimika­n. Gusto nang umalis ni Efren. Pumihit na nga siya at sinabing, “Sige, baka ma-late na ‘ko.”

“Ano naman kaya ang masama sa misis na nagtatraba­ho?” hindi pa rin nagpaawat si Deth.

Napabalik na naman si Efren. “Wala ngang masama sa misis na nagtatraba­ho pero…” “Oh, ‘di magtatraba­ho ako!” “Ang masama ay ang bibig ni… ng mommy mo.”

“Ayan ka na naman. Ayan ka na naman, pati si mommy, inaaway mo. Eh, kung i-text ko si mommy. Baka nakakalimu­tan mo ang mga pangako mo sa kanya.” Umiiyak na si Deth. Ang husay at ang bilis umiyak ng misis niya.

“Tahan na. Basta ayokong magtrabaho ka.” diin ni Efren.

“Sabi mo, kaya mo akong magtrabaho dahil ayaw mong malaman ni mommy na nagwo-work ako, eh ‘di huwag nating sabihin kay mommy. Oh, peksman.” biglang huminto ang luha ni Deth.

“Eh, kung malaman? Basta! Period! The issue is closed. The decision is final, absolute, unappeasab­le and executor. Ayoko ng working wife… ayokooo!”

Umupo si Deth sa sofa. Nagtakip ng mukha gamit ang sariling mga palad. Umiiyak na naman yata? Gusto na namang maawa ni Efren. Gusto na naman niyang amuhin ang kanyang misis.

Tiningnan ni Efren ang suot niyang relo. Hala, kung talagang hindi pa siya aalis, mahuhuli na talaga siya sa trabaho. Matapos tingnan si Deth na nakasubsob na rin sa kanyang mga palad, lakas-loob na siyang lumakad, patiyad, pumuntang hagdan.

Matagal ding nagtakip ng mukha si Deth. Nasa isip niya, aamuhin siya ni Efren. Iyon naman ang pamatay niya sa kanyang asawa. Maglungkut-lungkutan. Tiyak, lalambingi­n siya. Pero bakit wala yata ang kanyang inaasahan?

Nang alisin ni Deth ang takip sa kanyang mukha, wala na nga si Efren. “Tingnan mo’ng ugok. Kontodo emote ako ritong may pa-cover-cover pa sa mukha, wala na pala ang sinalipak na lalaking ‘yon!”

Tumayo siya. Naglakad, padabog at inikut-ikot ang munting sala. “Kung totohanin ko kayang bumalik sa Gapan? Humpt! Kung gagawin ko naman iyon, kawawa naman ang unggoy. Mukha ngang payat na siya. Alam ko naman wala talagang mag-aasikaso sa talipandas na ‘yon kundi ako. ‘Yong kunwari ay selos ko sa kaopisina niya, humpt!... wala ‘yon. Makakakita pa ba siya ng higit sa kagandahan ko? Newahh!”

Maya-maya pa’y, nilapitan niya ang litratong nakapahiya­s sa munting picture frame sa ibabaw ng TV set. Bakit parang nagsasalit­a ang litrato ni Efren?

Basta, Darling… ayokong magtrabaho ka. Gusto ko’y ako ang bread winner. Ako yata ang lalaki. Maghanap ka na lang ng mapaglilib­angan. “Saan naman? At anong libangan?”

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines