Balita

Ika-63 labas

-

BUGNOT

na bugnot si Deth. Kanina kay Efren na maghapong hindi umuwi nitong nagdaang araw ng linggo (kahapon) pero nasalin nga dito kay Nana Saling na masyadong mausisa. Alam kaya ng tsismosang matandang ito na war sila ng kanyang asawa?

Sa tindi nga ng inis, kinagat niya ng matindi ang may katigasang buto ng pakpak ng manok na kalahok sa inamusal niyang nilugaw. Tapos nga’y umalis na siya kaya nasigawan ni Nana Saling ng bayad mo, Deth.

Na sinagot niya ng malakas at pagalit: “Ilista n’yo!”

May pera yata siya at wala naman siyang planong utangin ang kanyang almusal. “Pero gaga siya! Oo, siya talaga ang gaga! Pakealamer­a siya sa buhay nang may buhay.”

“Aling Deth… galit ho ba kayo?” Ang nasalubong niya ay ang boy na naglalako ng diyaryo. Noon ay halos nasa tapat na siya ng kanilang apartment. “Hindi ako galit. Hindii!” “Galit ho kayo, e.” Giit ng boy. “Hayan at nanlalaki ang butas ng ilong n’yo, e.”

“Hindi. Hindiii!” Galaiti na si Deth at anyong susugurin ng kalmot ang boy na takot na kumaripas ng takbo.

Pagkapasok sa gate nila, naupo si Deth sa sementadon­g upuan sa harap ng apartment nila. ‘Yon din ang upuang madalas nilang upuan ng kanyang kumareng Precy noong panahong good pa sila.

Kumusta na kaya ang bruhang Precy? Kahit naman paano, naging masarap at matamis ang kanilang pagsasama, di ba? Daig pa nga nila ang magkapatid, di ba? Di ba nga may sumpaan pa silang never silang magkakalay­o. Never na mag-aaway. Yeah, maging ano man ang dahilan.

Bakit nga ba sila naging mortal na magkaaway? Malinaw naman ang dahilan—bingo. Akalain ba niyang masisira ang matalik nilang pagsasama dahil lang sa walang kuwentang sugal na iyon? Pero hindi naman sugal ang bingo, di ba?

Marahil, panahon na para magkasundo silang magkumare. E, ano naman kung siya ang maunang sumuko? Saan nga ba niya nabasa na ang pagpapakab­aba raw ay isang uri ng kabanalan.

Perto teka. Paano kung hindi tanggapin ng bruhang Prescillan­g ‘yon ang kanyang pagsuko. Magmumukha siyang inutil. Aba. Kawawa. Hamak. At halos ay tiyak niya na hindi ang isang tulad ng ugak na Precing ‘yon ang susuko. Nakita naman niya kung gaano katigas umarte ang gunggang na iyon. Paano kung hindi na nga tanggpin ang pagsuko niya ay lait-laitin pa siya. Aaaa, hindi puwede ‘yon! Hinding-hindi!

Saka di ba ang bruhang Precy ang dahilan kaya war sila ngayon ni Efren? Oo nga. Mas importante sa kanya si Efren kaysa sa sinalipak na Precing ‘yon. Manigas siya!

Samantala, nang mga sandaling iyon, ang magkumpare­ng walang pinagkumpa­rehan—sina Efren at Serafin—ay nasa kantina ng opisinang kanilang pinagtatra­bahuhan. Nahuli ang kanilang breaktime dahil tinapos muna nila ang trabahong apurahang ipinagawa ng kanilang boss.

“Ibig mong sabihin, pareng Efren… natiis mong hindi umuwi maghapon?” si Serafin. Tumango lang si Efren. “Tigas mo rin, pare.” Si Serafin. “Ikaw, pare?”

Umiling si Serafin. “Hindi ako kasing tigas mo, pare.”

“Anong ibig mong sabihin?” kunotnoo si Efren. “Paki-esplika nga.”

“Di ba, napagkasun­duan natin na tutuklasin natin ang dahilan ng halatang pag-aaway ng magkumare? At magtitigas­tigasan tayo. Kailangang ipakilala natin sa kanila na tayo ang lalaki?”

Matagal na hindi dinugtunga­n ni Serafin ang sinabi. Itutuloy…

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines