Balita

Sen. JV magre- referee sa LTFRB, TNVS

- Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senator JV Ejercito na dapat ay magkaroon muna ng pulong sa pagitan ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) at ng mga Transporta­tion Network Vehicle Service (TNVS) ng Grab at Uber, bago simulan ang paghuli sa mga kolorum sa mga nasabing sasakyan sa Hulyo 26.

Ayon kay Ejercito, wala siyang kinakampih­an sa magkabilan­g panig. Ang nais lamang niya ay magkaroon ng maayos na serbisyo sa mga pasahero.

“I will call for a meeting to mediate and come up with a compromise for both parties before July 26,” saad sa pahayag ni Ejercito. “I am not siding with anyone on this issue. What’s important to consider here is the convenienc­e and safety of the riding public. We would consider all remedies without disregardi­ng the law.”

Aniya, hindi nakikita ng LTFRB kung bakit dumami ang TNVS, at bakit higit itong tinangkili­k ng publiko kaysa mga regular taxi.

Noong nakaraang linggo ay pinatawan ng P5 milyon multa ng LTFRB ang Uber at Grab dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga regulasyon, kabilang na ang pago-operate nang walang certificat­e of public convenienc­e ( CPC), at provisiona­l authority (PA).

“Ngayong may maayos naman na serbisyo na in-offer sa publiko, pipigilan naman ng LTFRB. Kung ganito kayo kaingay at kadesidido­ng patawan ng service ban ang Grab at Uber, dapat ganito rin ang aksiyon ninyo sa mga reklamo sa regular taxi,” sabi pa ni Ejercito.

 ?? ALI VICOY ?? PATAY SA AKSIDENTE Nagsindi ng kandila sa lugar kung saan nabangga at pumailalim sa 10-wheeler truck ang tauhan ng Presidenti­al Security Group na si SPO1 Emmanuel De Jesus, 54, matapos siyang sumemplang sa kanyang motorsiklo sa UN Avenue sa Maynila...
ALI VICOY PATAY SA AKSIDENTE Nagsindi ng kandila sa lugar kung saan nabangga at pumailalim sa 10-wheeler truck ang tauhan ng Presidenti­al Security Group na si SPO1 Emmanuel De Jesus, 54, matapos siyang sumemplang sa kanyang motorsiklo sa UN Avenue sa Maynila...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines