Balita

Tuluy- tuloy ang tagumpay sa Marawi— AFP chief

- Francis Wakefield at Beth Camia

Inihayag ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) chief of staff General Eduardo Año na magsasagaw­a ng pinal na operasyon ang puwersa ng gobyerno upang tuluyan nang malipol ang ISIS- inspired na Maute Group sa Marawi City.

Sinabi ito ni Año nang maambush interview siya ng mga reporter sa paglulunsa­d ng bagong aklat ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na “Make Change Work” sa Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Lunes.

Sinabi ni Año na batay sa mga ulat na kanyang natatangga­p mula sa kanilang field commanders, naisagawa na ng mga tropa ng pamahalaan ang clearing operations sa panibagong 50 gusali at nakapatay ng walong Maute terrorists nitong weekend.

Gayunpaman, dalawa pang sundalo ang napadagdag sa casualty list.

Sinabi rin ni Año na batay sa kanilang operasyon, araw-araw ay patuloy na sumisikip ang lugar na okupado ng Maute Group.

“Slowly, kumokonti na lang ‘yung building na hawak nila. We were able to secure one tall building the other day, malaking factor ‘yun,” sabi ni Año.

“Less than one square kilometer ‘ yung area na pinaglalab­anan natin, but we cannot neglect or bypass buildings. It’s fatal and dangerous to our soldiers and to the trapped civilians,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Año na hindi sila nagtatakda ng panahon kung kailan tuluyang matatalo sa Marawi City ang mga teroristan­g Maute upang hindi magkaroon ng pressure sa mga tropa ng pamahalaan sa lugar.

Samantala, naglabas ng travel warning ang United States sa mga mamamayan nito na bibiyahe sa ilang lugar sa Pilipinas.

Nagbabala ang US State Department sa mga mamamayan nito na iwasan ang Marawi City at Sulu.

Dahil ito sa banta ng pagdukot sa mga banyaga ng mga terorista at mga rebeldeng grupo.

Kinakailan­gan din munang kumuha ng “special authorizat­ion” mula sa US Embassy ang mga tauhan ng gobyerno ng US.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines