Balita

Suporta ni Digong sa BBL ikinatuwa

- Nina ALI G. MACABALANG at LEO P. DIAZ

Nabuhayan ang iba’t ibang sektor ng stakeholde­rs sa Mindanao sa positibong marka ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga mambabatas sa bagong Bangsamoro Basic Law (BBL) draft.

“It’s a great source of relief, at least, in our stark moments in displaceme­nt,” pahayag ni Junaira Macala, 56, sa Balita sa salitang Maranao.

Si Macala, isa sa 25 Iligan Cityshelte­red Maranao evacuees na nakapanaya­m kahapon ng Balita, ay naniniwala na dahil sa madugong bakbakan sa Marawi City ay naisumite at naaksiyuna­n nang maaga ang BBL.

Pinangunah­an ni Pangulong Duterte ang mga state executive at mga mambabatas sa pagsuporta sa bagong draft na kanyang natanggap mula kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chair Murad Ebrahim at kina vice chairs Ghadzali Jaafar at Mohaquer Iqbal sa isang formal rites sa Malacañang nitong Lunes.

“I commit to support – in front of everybody – my covenant with you that I will support and husband this instrument as it goes in the legislator for its considerat­ion… There will be no objections of the provisions of all that is consistent with the Constituti­on and the aspiration of Moro people… Within the context of the Republic of the Philippine­s, there shall be a Bangsamoro country,” ayon sa Pangulo.

Inilarawan ng mga mamahayag ang naging pahayag ng Pangulo bilang isang pahiwatig na hindi magtatagal ito ay kanyang ieendorso bilang isang urgent bill sa Senado at sa House of Representa­tives.

Ilang oras bago matanggap ng Pangulo ang draft, siniguro nina Senate minority bloc members Sonny Angara at Bam Aquino ang pagkakaloo­b ng atensiyon sa deliberati­on.

Ayon kay Angara, chair ng Senate committee on local government, magtatakda siya ng mga hearing sa oras na iparating sa kanya ang bill dahil “important to achieve lasting peace in Mindanao.”

“The BBL is long overdue. We should be prioritizi­ng the fine tuning of the law, adopting what we’ve already learned from all the consultati­ons, hearings, and 17 years of negotiatio­ns,” pahayag ni Aquino.

MILF AT MNLF MASAYA

SA TAKBO NG BBL

Bagamat hindi alam ang nilalaman ng BBL, nagpahayag ng positibong reaksiyon ang MILF at ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa estado ng nasabing draft.

Para kay Hadji Bayan, isa sa mga lider ng MILF, naniniwala siya na may mga bagay silang magagawa sakaling ito ay maging ganap na batas.

 ?? CZAR DANCEL ?? PARA SA KAPAYAPAAN Nag-peace sign si Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) sa pagpapakuh­a ng litrato kasama ang peace panel, sa turnover ceremony ng Bangsamoro Basic Law (BBL) draft sa Malacañang kamakalawa.
CZAR DANCEL PARA SA KAPAYAPAAN Nag-peace sign si Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) sa pagpapakuh­a ng litrato kasama ang peace panel, sa turnover ceremony ng Bangsamoro Basic Law (BBL) draft sa Malacañang kamakalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines