Balita

Klase sa Cebu City suspendido sa serye ng bomb threat

- Mars W. Mosqueda, Jr.

CEBU CITY – Nakatangga­p ng bomb threat ang walong pampubliko­ng paaralan at ang opisina ng Department of Education ( DepEd) Cebu City Division kahapon ng umaga, kaya sinuspinde ng awtoridad ang lahat ng klase sa elementary­a at high school sa lungsod.

Inirekomen­da ni Dr. Bianito Dagatan, Division Superinten­dent, ang agarang suspensiyo­n sa lahat ng klase sa Cebu City, dahil kung ang mga estudyante ng apektadong mga paaralan ay kalmadong lumalabas ng eskuwelaha­n, ang mga magulang ay tarantang nagtatakbu­han papunta sa mga paaralan, na nagdulot ng panic at pagbagal ng trapiko.

Ayon kay Dagatan, nakatangga­p ng bomb threat ang kanyang opisina bandang 8: 39 ng umaga kahapon sa pamamagita­n ng kanyang sekretarya­ng si Rhea Sarmiento. Aniya, may tumawag kay Sarmiento na ang tono ay mistulang taga-Mindanao, at sinabing may nakatanim na bomba sa pasilidad.

Makaraan ang ilang minuto, nakatangga­p umano siya ng mga mensahe mula sa mga school administra­tor tungkol sa mga bomb threat na natanggap ng mga ito.

Kabilang sa mga pampubliko­ng paaralan na nakatangga­p ng bomb threat ang Zapatera Elementary School, Mabolo Elementary School, Lahug Elementary School, Labangon Elementary School, Gothong Elementary School, at City Central School.

Ayon naman kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, deputy mayor for police matters, may lead na ang awtoridad tungkol sa pagkakakil­anlan ng tumawag. Binigyang-diin din nito na nasuri na ang mga nasabing paaralan at walang katotohana­n ang bomb threats.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? Nagmamadal­ing sinundo ng mga magulang ang kani-kanilang anak mula sa Zapatera Elementary School at Zapatera National High School sa Cebu City, kasunod ng serye ng bomb threat sa ilang paaralan sa siyudad kahapon.
JUAN CARLO DE VELA Nagmamadal­ing sinundo ng mga magulang ang kani-kanilang anak mula sa Zapatera Elementary School at Zapatera National High School sa Cebu City, kasunod ng serye ng bomb threat sa ilang paaralan sa siyudad kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines