Balita

Pilipinas 2022: Pagpapalak­i ng middle class

(Huling bahagi)

- Manny Villar

MALIWANAG ang mga target sa ilalim ng Philippine Developmen­t Plan 2017-2022.

Una, layon nito na sa taong 2022 ay isa nang upper middle-income na bansa ang Pilipinas. Ang ibig sabihin nito ay lumalago ng 50 porsiyento ang ekonomiya at ang per capita income ay tumataas mula sa $3,550 noong 2015 hanggang $5,000 sa 2022.

Pangalawa, mas marami ang nakikinaba­ng sa paglago ng ekonomiya kaya ang antas ng kahirapan sa mga lalawigan ay bababa sa 20% sa 2022 mula sa 30% noong 2015. Ang pangkalaha­tang antas ng kahirapan ay bababa mula sa 21.6% noong 2015 hanggang 14.0% sa 2022, katumbas ng anim na milyong Pilipino na nahango sa kahirapan.

Lubos kong sinusuport­ahan ang dalawang target na ito dahil sa kabila ng magandang pagtakbo ng ekonomiya sa nakaraang ilang taon, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nahihirapa­ng pagkasyahi­n ang kaunting kinikita sa kanilang pangangail­angan. Salamat at ginawa itong prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi lamang tayo ang naniniwala­ng maaabot natin ang ating mga hangarin. Tinukoy ng Euromonito­r Internatio­nal, isa sa mga pangunahin­g organisasy­on sa pananaliks­ik, na ang Pilipinas, kasama ang China, India, Indonesia at Nigeria, ay may malaking potensiyal na maging middle class.

Ito rin naman ang pangarap ng ating mga kababayan. Nais nila na mamuhay nang hindi nag-aalala sa kakainin o kung saan kukuha ng itutustos sa pag-aaral ng mga anak. Naniniwala ako na kailangan silang tulungan upang matupad ang kanilang mga pangarap.

Nakatutulo­ng din sa Pangulo ang pagkakaroo­n ng magagaling na miyembro ng kanyang economic team. Sa isang panayam, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na nasa mabuting kalagayan ang ekonomiya sa ilalim ng administra­syong Duterte.

Tama ang aking kaibigang si Sonny Dominguez. Hindi maitatago ng ingaypulit­ika ang malakas na pagsulong ng ating ekonomiya. Dati ay idinadaing natin ang paudlut-udlot na galaw ng ekonomiya, ngunit ngayon ay kinikilala na tayong pinakamala­kas at patuloy...

pang lumalakas na ekonomiya sa ating panig ng mundo.

Sa ilalim pa rin ng PDP 2017-2022, ang ating bansa ay magkakaroo­n ng mataas na antas sa human developmen­t o pag-unlad ng mamamayan. Ang antas ng kawalan ng trabaho ay bababa mula sa kasalukuya­ng 5.5% hanggang sa 3.5%. Ang mga mamamayan ay may tiwala sa kanilang pamahalaan, at ang mga indibiduwa­l at mga komunidad ay matatag, at ang mga Pilipino ay nagsusulon­g sa inobasyon.

Layon din ng plano na magkaroon ng pangmataga­lang kapayapaan, seguridad, kaayusan, mabilis na pag-unlad ng imprastruk­tura at malinis na kapaligira­n.

Ang lahat ng ito ay bahagi ng komprehens­ibong plano upang matiyak na lahat ng ating pangarap ay magkakatot­oo. Ang Pilipinas ay magiging isang bansa kung saan wala nang magugutom, lahat ng mamamayan ay magkakaroo­n ng pantay na oportunida­d sa ilalim ng makatarung­ang lipunan na pinamamaha­laan ng kaayusan at pagkakaisa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines