Balita

Culabat: Tapat na Pinoy

-

SINGAPORE – Umani ng papuri ang Pinoy volleyball player, hindi lamang sa galing na taglay kundi sa pagiging matapat.

Ibinalik ni Kenneth Culabat, spiker ng Philippine boys volleyball squad , ang napulot na wallet na naglalaman ng pera at mahahalaga­ng dokumento at Samsung S6 mobile phone sa palikuran ng Republic Polytechni­c center kung saan nakatakda nilang harapin ang host team.

Kaagad na inabisuhan ni Culabat ang kanyang coach na mabilis namang ipinaalam sa local organizers. Sa paghahanap ng mga opisyal sa mayari ng mga kagamitin, natagpuan nila ang may-ari na isa ring palang atleta ng Singapore volleyball team.

Kagyat na pinasalama­tan ng atleta ang Team Philippine­s at hindi nakaligtas sa mapanuring mga opisyal ng Ministry of Education Singapore, sa pangunguna ni Divisional Director Student Curriculum Chen Kee Tan, ang naging aksiyon ni Culabat.

“Great character,” pahayag ni Tan, pinangunah­an ang pagbibigay ng special token sa katapatan ng Pinoy.

“Sarap lang sa feeling. Nasuklian ang ginawa ko,” sambit ni Culabat matapos tanggapin ang Nila mascot doll at token of gratitude mula sa Singaporea­n player.

Pinasalama­tan din ni Tan ang mga opisyal ng delegasyon, sa pangunguna nina Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Raymond A. Maxey at DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali at Philippine Chef de Mission Rizalino Jose Rosales.

Ang 18-anyos na si Culabat ay Grade 12 student sa St. Benilde Internatio­nal School sa Calamba City ay nakasama sa team sa kaunaunaha­ng pagkakatao­n para sa ASEAN Schools Games.

Kung naging mababa ang loob ni Culabat sa nasuungang sitwasyon, naging malupit ito sa naiskor na 14 puntos para tulungan ang PH team kontra sa host team, 23-25, 25-16, 2516, 25-19.

“We are just showing the character that we, Filipinos have,” pahayag ni Rosales.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines