Balita

Knights, mas matikas sa EAC Generals

-

NAKABAWI ang Letran sa naunang kabiguan sa kamay ng Mapua matapos malusutan ang matinding hamon ng Emilio Aguinaldo College sa endgame, 8380 kahapon sa pagpapatul­oy ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil -Oil Flying V Center sa San Juan City. Nakalalama­ng ng limang puntos sa huling 45 na segundo ng laban, dalawang beses pang nagbantang makahirit ang Generals ng extension matapos ang dalawang sunod na 3-pointers ni Jerome Garcia, pinakahuli sa iskor na 80-81, kasunod ng dalawang free throws ni Jerrick Balanza, may anim na segundo na lamang natitira sa laro. Naibalik ng Knights sa tatlo ang kalamangan matapos ang dalawang free throws ni JP Calvo, , 83-80.

Posible pa sanang makatabla ang Generals ngunit butata ang inabot ni Jethro Mendoza sa kanyang buzzer beater 3 pointer pagkatangg­ap kay Francis Munsayac ng bola matapos mabigong mahanap si Garcia.

"Masaya, kasi naiwasan naming maulit yung nangyari last time against Mapua. Last huddle, nag commit na gumawa ng tama yung mga players KO, " pahayag ni Letran coach Jeff Napa. Marivic Awitan

Iskor: Letran (83) – Ambohot 15, Nambatac 14, Quinto 14, Taladua 14, Calvo 9, Balanza 8, Pamulaklak­in 4, Balagasay 3, Vacaro 2, Gedaria 0, Bernabe 0.

EAC (80) – Munsayac 22, Onwubere 20, Garcia 13, Bautista 11, Laminou 7, Mendoza J 3, Pascua 2, Guzman 2, Diego 0, Mendoza I 0, Corilla 0, Neri 0.

Quartersco­res: 12-28; 41-43; 5854; 83-80.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines