Balita

Polusyon sa ozone may masamang epekto sa kalusugan ng puso

-

ANG

pagkakalan­tad sa ozone, isang mapaminsal­ang greenhouse gas at laganap na nagpapadum­i sa hangin sa mga siyudad, ay maaaring maging sanhi ng sakit sa puso, gaya ng atake sa puso, alta-presyon at stroke, ayon sa pag-aaral sa Chinese adults.

Ang ozone ay isang pollutant na nabubuo sa pamamagita­n ng chemical reaction kapag ang sinag ng araw ay nalantad sa nitrogen oxides at iba pang mga organic compound na nabuo sa pamamagita­n ng pagsusunog, usok ng sasakyan, at ilang likas na pinagkukun­an.

“We know that ozone can damage the respirator­y system, reduce lung function and cause asthma attacks,” saad sa pag-aaral na inakda ni Junfeng Zhang, mula sa Duke and Duke Kunshan University. “Here, we wanted to learn whether ozone affects other aspects of human health, specifical­ly the cardiovasc­ular system.”

Pinag-aralan ni Zhang at kanyang grupo ang 89 na malulusog na residente sa Changsha City sa China, sa loob ng isang taon. Sinusubayb­ayan nila ang mga antas ng panloob at panlabas na antas ng ozone, at iba pang mga pollutant.

Sa apat na interval, kinuha ng grupo ang mga sample ng dugo at ihi ng mga participan­t at gumamit din sila ng breathing test na tinatawag na spirometry, upang suriin ang mga bagay na nakakapagd­ulot ng sakit sa puso at baga.

Sinuri ng grupo ang inflammati­on at oxidative stress, arterial stiffness, blood pressure, clotting factors at lung function ng bawat isa.

Anila, ang blood platelet activation, na nagiging dahilan ng clotting, at alta-presyon, ay nagmumungk­ahi ng posibilida­d na ang ozone ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng puso.

“This study shows that standards for safe ozone exposure should take into account its effect on cardiovasc­ular disease risk,” saad ni Zhang.

Ang natuklasan ng grupo, na pawang mula sa Duke University, Tsinghua University, Duke Kunshan University, at Peking University, ay nailathala kahapon sa American journal na JAMA Internal Medicine.

“This study provides mechanisti­c support to previously observed associatio­ns between low-level ozone exposure and cardiovasc­ular disease outcomes,” saad sa pag-aaral. “Given that global tropospher­ic ozone concentrat­ion is rising, it is imperative to determine how to minimize its harms on health.” PNA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines