Balita

Pia Wurtzbach, may internatio­nal project

- –Ador Saluta

BUKOD sa pinaghahan­daang pelikulang Ravengers

with It’s Showtime host Vice Ganda at teen king

Daniel Padilla, busy rin si 2015 Miss Universe Pia

Wurtzback sa pagdyi-gym at product endorsemen­ts. Baka nga raw mas maging busy pa siya kung matutuloy ang wino-work out na internatio­nal project soon.

Hindi pa niya mailabas ang mga detalye nito dahil nakikipag-negotiate pa ang management niya.

“We’re still fixing it,” kuwento ni Pia nang makapanaya­m sa bagong endorsemen­t niya ng isang brand ng sardinas. “My management is still fixing it so I can’t reveal anything just yet because hindi pa siya polished. It is connected with Miss Universe.”

Masaya rin si Pia sa balitang napansin siya ng renowned fashion designer Stefano

Gabbana sa Instagram. “I am so happy that he did. I’m happy, he does that a lot anyway. He reposts photos of people who wear his creations,” sabi ng dalaga.

Sa kanyang paghahanda naman sa MMFF entry ng Star Cinema, ibinahagi ni Pia ang kanyang physical training dahil may halong aksiyon ang una niyang pelikula. Kaugnay nito, ibinahagi rin niya ang ilang tips kung paano siya nananatili­ng fit and healthy. Aniya, regular siyang nagtutungo sa gym at nagpa- planking, tricep pull- downs, squats and lunges.

“I have a busy schedule and always on the go so when I do have time to grocery shop or prepare a meal, I make it a priority. I like to enjoy food that keeps my energy levels stable, like Century Tuna,” sambit ng beauty queen.

 ?? Pia ??
Pia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines