Balita

Ika-64 na labas

- R.V. VILLANUEVA

NNAG-

UUSAP ang magkumpare­ng Efren at Serafin habang nagmimirye­nda sa kantina ng opisana nila. Sinabi ni Efren ang nangyari sa kanila ni Deth na malaking tampuhan. O matinding war. Napagkasun­duan kasi nila ni Serafin na magtitigas-tigasan sila para ipakilala sa kani-kanilang misis na sila ang nakapantal­on sa bahay. Pero mukhang si Efren lang ang talagang nakapag-matigas.

“Ibig mong sabihin, pareng Serafin, lumambot ka kaagad?”

“Soryy, pareng Efren! Hindi ko napaglaban­an ang karisma ng kumare mo. Pa’no ko ba naman mapaglalab­anan? Alam mo kasi, pare… natapat sa kabuwanan ng kumare mo, limang araw. “

Hindi kumibo si Efren. Pero, marahil… hindi niya naitago ang sama ng kanyang loob. “Sorry na, pare!” Hindi pa rin kumibo si Efren. Sa malas, matindi ang kanyang pag-iisip na nagkaroon ng manipestas­yon sa malalalim niyang mga buntong hininga na sunundan ng pailing-iling. “Sorry na sabi, pare!” “E, naitanong mo man lang ba sa asawa mo kung bakit sila nagkakagal­it ng asawa ko?”

Umiling lang si Serafin. Pagkaraan ng mahabang mga sandali, sabi: Sorry uli, pare! Hindi na namin napag-usapan ni Precy ang tungkol doon. Promise pare... bigyan mo ‘ko ng konting panahon pa…”

“Akala ko, importante sa’yo ang pagsasama ng mga misis natin?” Hindi itinago ni Efren ang tampo o galit sa boses niya.

“Mahalaga pati ang pagsasama natin, di ba, pareng Efren?”

Hindi siya kumibo. Pero hindi nabago ang emosyon sa kanyang mukha.

Hindi magkasabay sina Efren at Serafin nang bumalik sa opisina mula kantina. Unang tumayo si Efren at mabilis na umalis. Naulinigan niyang tumatawag pa sa kanya si Serafin pero hindi na niya pinansin.

Nang mga sandaling iyon, mag-aalas onse na ng tanghalin, nakapagpas­iya na si Deth. Susugurin niya si Precy! Handa na siya sa ano mang uri ng labanan. Babae sa babae. Ngipin sa ngipin. Kagat sa kagat. Kalmot sa kalmot. Sabunot sa sabunot. Makalbo na ang makakalbo.

Bago nakasugod si Deth, nahagya pa siyang nagulat nang may humintong traysikel sa ilang di pa mula sa kanyang unahan. At ang sakay, na bumaba mula sa naturang traysikel, si Nana Senyang. Si Nana Senyang! Hindi kayo makapaniwa­lang si Nana Senyang? Opo, walang iba kundi ang Senyang na may pabingo sa bacood!

Sorry po sa mga mambabasa ng istoryang ito. Hindi nga po pala ito kagulat-gulat para sa inyo. Pero kagulat-gulat po ito para kay Deth. Isiping buhay na naman si Nana Senyang.

“Nana Senyang! Ikaw nga ba, Nana Senyang?”

“Ako nga, Deth. Akong-ako ito. At hindi pa ako kaluluwa. Ako ito, Senyang in person. Bola-bola… karambola, bingo!”

Biglang nagyakap ang dalawang babae at akala mo mag-inang kung ilang taong hindi nagkita. At pareho pang napangalng­al. Na wala naman yatang mga luha.

“E, susugurin ko si…” Hindi naituloy ni Deth ang sasabihin.

“E, sino nga ba Nana Senyang ang susugurin ko?” “May kaaway ka ba?” “Wala ho, wala. Edukado akong tao, Nana. E,teka Nana…salamat nga pala sa Diyos at galing na kayo! Sa’n nga pala ang punta n’yo?

“Abe’y sa inyo. May dala akong napakagand­ang balita!”

“Ano ho kayo ‘yon, Nana?” Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines