Balita

5 sa PSG sugatan sa NPA ambush

- Nina ANTONIO L. COLINA IV at FER TABOY May ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos

DAVAO CITY – Limang tauhan ng Presidenti­al Security Group ( PSG) ang nasugatan makaraan silang tambangan ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa Bukidnon- Davao Road, Arakan, North Cotabato, bandang 6:30 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Eastern Mindanao Command ( EMC) spokespers­on Maj. Ezra Balagtey na sakay sa inambush na convoy ang 10 tauhan ng PSG na patungong Cagayan de Oro City mula sa Davao City upang inspeksiyu­nin ang lugar kaugnay ng nakatakdan­g pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sugatang sundalo roon.

“They are from Davao and they will prepositio­n in CDO for the scheduled visit to troops involved in Marawi to boost their morale,” ani Balagtey.

Naniniwala si Balagtey na marami ring nasugatan sa panig ng NPA sa nangyaring engkuwentr­o.

Batay sa police report, nasa 150 rebelde na nakasuot umano ng military uniform ang tumao sa isang checkpoint sa Barangay Katipunan, Arakan, Cotabato, hanggang sa sumiklab ang engkuwentr­o.

Gayunman, napatay sa bakbakan ang miyembro ng Citizens Armed Force Geographic­al Unit (CAFGU) na si Ben Padia, habang dinukot naman ng NPA si Rogelio Mago Genon, 60, asset para sa Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ng pulisya.

Kinondena naman ng Task Force Davao ang nasabing pagatake, kung saan nagpanggap pang sundalo ang mga rebelde at nagtayo pa ng pekeng checkpoint na may karatula ng TF Davao.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PSG commander Col. Louie Dagoy na hindi maaapektuh­an ng insidente ang mga nakatakdan­g aktibidad ni Pangulong Duterte sa lugar.

“Wala naman [ epekto]. Kumbaga, life must go on. So, ‘yung events niya, mga activities, tuloy lang ‘pag may schedule na,” ani Dagoy.

 ?? KEITH BACONGCO ?? SUGATAN Patakbong bitbit ng mga sundalo ang isang miyembro ng Presidenti­al Security Group matapos i-airlift sa Naval Forces Eastern Mindanao Command para gamutin, kasunod ng pananamban­g sa grupo nito sa Davao-Bukidnon Road sa Bgy. Gambudes, Arakan,...
KEITH BACONGCO SUGATAN Patakbong bitbit ng mga sundalo ang isang miyembro ng Presidenti­al Security Group matapos i-airlift sa Naval Forces Eastern Mindanao Command para gamutin, kasunod ng pananamban­g sa grupo nito sa Davao-Bukidnon Road sa Bgy. Gambudes, Arakan,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines