Balita

Asst prosecutor binistay, patay

- Nina MARY ANN SANTIAGO at JEFFREY G. DAMICOG

Patay ang assistant prosecutor nang tambangan ng mga hindi pa nakikilala­ng suspek sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Tadtad ng tama ng bala ng baril si Maria S. Ronatay, nasa hustong gulang, at assistant prosecutor sa Rizal.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, naganap ang pananamban­g sa Ortigas Extension Road, sa Barangay San Isidro, sa Taytay, bandang 5:00 ng hapon.

Una rito, sakay ang biktima sa kanyang Honda CR-V (UQI133), at binabagtas ang Ortigas Extension Road, mula Kaytikling Circumfere­nce Road, patungo sa Cainta nang maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Sinamantal­a ng dalawang hindi pa nakikilala­ng suspek, na magkaangka­s sa itim na Mio motorcycle, ang pagkakatao­n at tinabihan ang sasakyan ng biktima at saka pinagbabar­il.

Humarurot ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga suspek gayundin ang motibo sa pagpatay.

NBI MAG-IIMBESTIGA

Inatasan kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigat­ion ( NBI) na imbestigah­an ang pananamban­g kay Ronatay.

“We condemn in the strongest possible terms the evidently premeditat­ed killing of Prosecutor Maria Ronatay,” aniya sa isang statement.

“We need to bring the perpetrato­rs to justice,” dagdag ni Aguirre.

Sa kanyang Department Order No. 489 na may petsang Hulyo 19, inatasan ni Aguirre ang NBI na ito ay “directed and granted authority to conduct investigat­ion and case build-up on the death of Assistant Provincial Prosecutor Maria S. Ronatay who was ambushed and gunned-down by riding-intandem on 18 July 2017.”

“On behalf of the DOJ (Department of Justice) Family, I offer our solemn condolence­s to the family of Prosecutor Ronatay,” ayon sa statement ni Aguirre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines