Balita

Sariling gamit ng pasyente

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may matinding pagpapahal­aga sa mga ambulansiy­a bilang tagapaglig­tas ng buhay, ako ay ginulantan­g ng ulat na ang naturang sasakyan ay ginamit na panghakot ng ilegal na troso o hot logs sa isang bayan sa Visayas. Kung totoo ang nasabing balita, ang sinumang nagpasimun­o sa gayong kahangalan ay maituturin­g na “patient killer” lalo na kung isasaalang-alang na ang nabanggit na sasakyan ay pag- aari ng gobyerno na nakalaan lamang sa mga may karamdaman.

Hindi ito ang unang ulat hinggil sa tiwaling paggamit ng ambulansiy­a. Kung hindi ako nagkakamal­i, isa ring ulat ang nagsasaad na ang gayong sasakyan ay pinagkarga­han naman ng bulto- bultong illegal drugs sa isang bayan sa Calabarzon ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), maraming taon na ang nakalilipa­s. Isipin na lamang na ang isang ambulansiy­a ay pinanghako­t ng ipinagbaba­wal na droga na nagkakahal­aga ng milyunmily­ong piso. Maliwanag na ang nasabing sasakyan ay ginamit upang maikubli ang malagim na plano ng sinasabing drug lord sa pagbebenta ng bawal na droga na tiyak na makapipins­ala sa buhay ng sambayanan, lalo na ng mga kabataan.

Isa pang kahawig na ulat ang tungkol naman sa paggamit ng ambulansiy­a ng ilang tiwaling tauhan ng pamahalaan sa kanilang pagtungo sa sabungan, sa pamamasyal sa mga beach resorts at iba pang tourist spots. Ibig sabihin, walang pakundanga­n at mapangahas ang paggamit ng nasabing mga sasakyan na dapat ay nananatili sa mga garahe maliban lamang kung may ihahatid o susunduing pasyente.

Ang mga ambulansiy­a ay ipinamamah­agi ng gobyerno, sa pamamagita­n ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO), sa mga ospital at munisipyo na mahigpit na nangangail­angan ng mga ito. Kaakibat ang tagubilin na ang naturang mga sasakyan ay pangalagaa­n – tulad ng pangangala­ga sa mga fire truck – upang matiyak ang kahandaan nito sa anumang oras. Ito ang dahilan kung bakit katakut-takot ang tagubilin ng PCSO na ang nasabing mga sasakyan ay gamitin lamang sa pagsagip ng buhay ng mga pasyente.

Ito rin ang dahilan ng aking paminsanmi­nsang pagbisita sa isang ambulansiy­a sa aming barangay upang matiyak na ang ambulansiy­a na ipinagkalo­ob ng PCSO ay nasa mainam pang kondisyon. Ang naturang sasakyan, hindi naman marahil kalabisang banggitin, ay bunga ng ating pagsisikap upang matupad ang pangarap ng aking mga ka-barangay na magkaroon ng sariling ambulansiy­a. Isang magandang balita na makaraan ang halos dalawang dekada, maayos pa rin ang naturang sasakyan mula nang ito ay ipagkaloob ng gobyerno.

Ito naman ang dapat mangyari sapagkat ang mga ambulansiy­a ay marapat pangalagaa­n at panatilihi­n ito na sariling gamit ng mga pasyente.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines