Balita

ABS-CBN at Xeleb, inilunsad ang ‘FPJ’s Ang Probinsyan­o’ mobile game

-

INIHAYAG

ng ABS-CBN at Xeleb Technologi­es Inc. ang kanilang partnershi­p sa contract signing na ginanap nitong Martes (July 18) para sa pormal na paglulunsa­d ng FPJ’s Ang Probinsyan­o mobile game, isang runner type game app para sa gamers tampok ang top-rating Kapamilya series sa pangunguna ni Cardo Dalisay na nakikipagl­aban sa kasamaan at nagliligta­s ng mga buhay.

Base sa nangunguna­ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyan­o, puno ng aksiyon ang mobile game app na ang users mismo ang bida ng laro sa panghuhuli ng mga kawatan at pananatili ng kapayapaan sa lansangan ng Maynila. May pagkakatao­n ding manalo ng special prizes ang players sa kanilang pag-iwas sa iba’t ibang pagsubok.

Gaya ng matagumpay na serye, patok din ang mobile game app sa gamers. Katunayan, agad itong pumalo sa 50,000 downloads sa unang limang minuto pa lamang nang una itong nilunsad noong Mayo. Ngayon ay malapit na itong pumalo sa one million downloads.

“Masaya kami dahil napapalaga­nap ang advocacy ng palabas sa pamamagita­n ng isang platform na malapit sa kabataan. Sa partnershi­p na ito, hinahangad namin na hindi lang makapagbig­ay ng saya, kundi pati na rin makapaghan­dog ng aral gamit ang iba’t ibang Kapamilya-driven apps,” sabi ng head ng Dreamscape Entertainm­ent na si Deo Endrinal.

“Nasa ABS-CBN ang intellectu­al property, nasa amin naman ang technology. Magiging maganda at matibay ang samahan na ito,” sabi naman ng Xeleb chairman and CEO na si Raymond Racaza. “Una pa lang ang FPJ’s Ang Probinsyan­o sa mga larong paparating na dapat abangan ng mga manonood.”

Sa loob ng halos dalawang taon, umani na ng maraming papuri mula sa mga manonood ang FPJ’s Ang Probinsyan­o sa pagbabahag­i nito ng mga aral tungkol sa pamilya at pagmamahal sa bansa. Tinatatala­kay nito ang buhay ng pulis na si Cardo Dalisay, na bumalik sa serbisyo kamakailan bilang miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP) upang magligtas ng mga inosenteng buhay nang mamatay ang kanyang anak.

Patuloy itong namamayagp­ag sa national TV ratings simula nang umere noong Setyembre 2015. Bukod sa avid viewers, umaani rin ng pagkilala ang FPJ’s Ang

Probinsyan­o mula sa House of the Representa­tives at ilang government officials gaya ng Department of Interior and Local Government Secretary na si Mike Sueno at PNP chief Ronald dela Rosa.

Kinilala na rin ito ng iba’t ibang award-giving bodies gaya ng Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, PMPC Star Awards, at kamakailan ng 48th Box Office Entertainm­ent Awards.

Maaaring i-download ang FPJ’s Ang Probinsyan­o mobile game sa Google Play at W00T.

Sa patuloy na transition bilang digital company, nangunguna ang ABS-CBN sa paghahatid ng dekalidad na content online at paglawak ng digital properties nito.

Ang Xeleb Technologi­es Inc. naman ang kaunaunaha­ng celebrity game mobile company sa bansa na ang ilan sa principal shareholde­rs ay sina Anne

Curtis, Kim Atienza, Isabelle Daza, at Erwan Heussaff.

 ??  ?? ABS-CBN executives (mula kaliwa) Deo Endrinal, Ina Quiogue, Karen Coloma, at Cory Vidanes, kasama ang Xeleb officials na sina Isabelle Daza, Kim Atienza, JV Colayco, at Vanessa Barrameda.
ABS-CBN executives (mula kaliwa) Deo Endrinal, Ina Quiogue, Karen Coloma, at Cory Vidanes, kasama ang Xeleb officials na sina Isabelle Daza, Kim Atienza, JV Colayco, at Vanessa Barrameda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines