Balita

Mag-Asawa'y'Di Biro

- Ni Leonardo T. Buluran

Ika-65 labas

SUSUGURIN

ni Deth ang kanyang kumareng Precy para awayin nang biglang dumating si Nana Senyang sakay ng traysikel. May maganda raw balita kaya pinuntahan niya si Deth.

“Ano nga ‘yong magandang balita, Nana?”

“Abe’y di opening uli ng bingohan ko!” “Ho? T-talaga ho?’ “Abe’y oo naman. At isa pang magandang balita. Isa ka sa imbitado . At isa pang magandang balita…” “Puro maganda, Nana?” “Oo naman. Imbitado rin si Mr. Narciso. Si Ruding. Si Kapitan.” “Wee!” “Bakit wee? Nakita mo naman kung ga’no karaming pera ‘yon, di ba? Pag naro’n ‘yon di ba hindi lang naman ikaw ang buhay kundi tayong lahat?”

Hindi kumibo si Deth. Bakit parang may gustong ipakahulug­an si Nana Senyang sa pagsasabin­g imbitado rin ang Ruding na ‘yon? Ano ba sa kanya kung kumbidado man o hindi sa balik-bingong ‘yon ang Mr. Narcisong ‘yon?

Hindi na Mr. Narciso ‘yon sa iyo, Deth. Hindi ba lumalaguto­k na Ruding sa’yo ‘yun ngayon? Marami nang nakakapans­in sa inyo, baka akala mo. Ilang beses ka na bang pinauutang noon ng puhunan? Saka ang libre mong tanghalian, ilang beses na ba?

“Nagbabayad naman ako, a.” Bigla’y ni Deth.

“Ha?” Parang nagulat si Nana Senyang. “Wala ka na namang utang sa’kin Deth. Meron pa ba? Tanda ko’y wala ka namang paki.” Ang paki ay utang din ang ibig sabihin.

Ngek! Kay Ruding niya ibig sabhin ‘yon. “Makakalimu­tan na nga yata ako. Pasens’ya na lang, Nana.” Galing lusot, a.

May parating na traysikad. Na kinawayan ni Nana Senyang. Pasakay si nana Senyang sa traysikad, sabi: “Aasahan ka namin, Deth. H’wag kang papalya. Dakong alas tres ang simula, Deth. Pero pamorninga­n ha? Ay, hindi ka nga pala puwede sa gano’n. sige…” umandar na ng kaunti ang traysikad. May pahabol pa si Nana: “As usual na lang. Puwede ka nang umuwi bago dumating ang husbang mo.”

Ibig sanang ikorek ni Deth na husband ho hindi husbang, pero malayo na ang traysikad na sakay si Nana Senyang.

“Humpt! Husbang na kung husbang. Noon husband talaga kita, Efren ka. Ngayon, husbang ka na lang, humpt!”

Napabilis ang pagsasaing ni Deth. Bago mag-alas dose, nakakain na siya. Hindi na naman niya kinailanga­ng magluto ng ulam. Marami siyang natirang ulam na bangus, di ba? At medyo malamig na ang kanyang ulo. Para nga siyang tangang ngingiti-ngiti. Akala mo, husbang ka, ikaw lang ang marunong manakit. Ngayong may bingo na ‘kong hindi ko makikita ang bruhang Precy, humanda ka, Bruhong Efren ka! Kung may syota ka, may bingo naman ako.

Ibig mong sabihin, Deth… mas matimbang pa ang bingo kaysa asawa mo? Aba, maghunos-dili ka. Bisyo lang ‘yan…bisyo, Deth! No… noo! Hindi naman bisyo ang bingo.

Pagkakain, nahiga siya. Sakaling dumating si Efren at yayain siyang kumain, di kakain siya uli. Habang kumakain sila, baka humingi ‘yon ng tawad.

Akala namin, palaban ka, Deth. Di ba sabi mo, handa ka nang lumaban kahit anong klaseng laban? Bakit parang lumalambot ka yata? Ibig mo bang sabihin, pag umuwi si Efren, hindi ka na pupunta sa paanyaya sa iyo ni Nana Senyang? Ang Precing ‘yon, tiyak na nasa bingohan, patatalo ka ba do’n? Pagtatawan­an ka, Deth. Payag ka ba na gano’n?

“Humpt! Makatulog nga. Kesa naman makipagtal­o sa aking sarili… Humpt! Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines