Balita

Altas, sisingit ng panalo sa Mapua Cardinals

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Mapua gym-Intramuros) 2 n.h. -- Mapua vs Perpetual (jrs/srs)

MAGAMIT ang homecourt advantage para sa target na backto-back na panalo ang puntirya ng Mapua sa nakatakdan­g pagsagupa sa University of Perpetual ngayon sa NCAA Season 93 Tour sa Mapua gym sa Intramuros, Manila.

Tatangkain ng Cardinals na dugtungan ang natamong panalo sa ikalawa nilang laban nitong Hulyo 11 kontra Letran, 78-75 habang maghahanga­d naman ang katunggali­ng Altas na makabangon sa dalawang sunod na pagkabigo, una ang dagok na forfeiture

KAPIT-BISIG! Umabot sa baseline ang agawan sa bola nina Ervin Grospe ng Jose Rizal University kontra kina Levi Dela Cruz (gitna) at Angelo Padilla ng Arellano U sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 93 nitong Martes sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Nagwagi ang Chiefs, 73-72. RIO DELUVIO sa panalo nila kontra St. Benilde na sinundan ng pagkatalo sa kamay ng Jose Rizal University(58-64).

Muling sasandigan ni Mapua coach Atoy Co ang super senior na si Andrew Estrella upang pamunuan ang Cardinals sa inaasam na ikalawang sunod na panalo.

Matatandaa­ng si Estrella ang bayani sa nakaraang panalo nila kontra Knights matapos ang kanyang game winner may natitira na lamang limang segundo sa laban.

Magkukumah­og naman ang Altas na makaahon mula sa kinalalagy­an sa ilalim ng team standings.

Inaasahang mag-i-step-up upang iahon ang Perpetual sa buntot ng standings ang mga beteranong sina Gab Dagangon, GJ Ylagan, AJ Coronel, Keith Pido at Prince Eze.

Mauuna rito, tatangkain ng defending juniors champion Mapua ang ikatlong sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Junior Altas upang makasalo ng kasalukuya­ng lider na La Salle Greenhills sa pangingiba­baw sa team standings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines