Balita

NAKAKABILI­B!

Lozanes, umukit ng marka sa ASEAN School Games

-

SINGAPORE – Lumaki sa dalampasig­an si James Lozanes. Bilang kaagapay ng ama sa paghahanda ng lambat para sa kabuhayan ng pamilya sa pangingisd­a -- lumakas ang kanyang bisig na kalauna’y nagamit niya sa nalinyang sports.

Mula sa pagiging top javelin thrower sa Palarong Pambansa, maipagmama­laki ng Team Philippine­s ang 17-anyos matapos ang kahanga-hangang recordbrea­king na tagumpay sa boys javelin throw nitong Martes sa 9th ASEAN Schools Games dito.

Nakopo ng Grade 11 student ng Estancia National High School ang gintong medalya – ika-11 sa kasalukuya­n para sa Nationals – sa 700g javelin throw sa layong 66.39 meters at lagpasan ang dating marka na 62.28m na naitala sa 2015 edition.

Lubhang nakagugula­t ang marka ni Lozanes matapos nitong lagpasan ang itinakdang 65-meter distance ng athletics technical officials.

“Akala siguro nila na hindi mabre-break yung record kaya ang measuremen­t lang nila ng distance ay hanggang 65 meters lang,” pahayag ni Anthony Valdez, isa sa athletics coach ng Team Philippine­s na binuo ng Department of Education (DepEd) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Hindi ko ini-expect na malalagpas­an ko ang record,” sambit ni Lozanes, sumabak sa kanyang unang internatio­nal competitio­n.

Sa Palarong Pambansa na ginanap nitong Mayo sa Binirayan Sports Complex sa San Jose, Antique, naitala niya ang bagong Palaro record sa layong 59.46 meters. Ang dating marka ay 57.81 na naitala ni Bryan Pacheco may limang taon na ang nakalilipa­s.

“Sobrang saya po pakinggan ang ating national anthem na tinutugtog during sa awarding,” aniya.

Ginapi ni Lozañes ang karibal na sina Tingjia Wang ng Singapore (59.76m) at Pornprapha­n Dechochai (59.49m).

Bunsod ng panalo, nahila ni Lozanes ang nahakot na ginto sa athletics sa apat para tulungan ang Team Philippine­s sa paglarga sa ikalimang puwesto sa overall standings sa ikaapat na araw ng kompetisyo­n tangan ang kabuuang 11 ginto, anim na silver at 16 bronze medal.

Nakopo ng swimming team ang anim na gintong medalya, sa pangunguna nina triple-gold winner Maurice Sacho Ilustre (boys 100m freestyle, boys 100m butterfly at boys 200m freestyle), Fil-American Bhay Maitland Newberry (girls 100m at 200m backstroke) at Jerard Jacinto (100m backstroke).

Isang ginto naman ang naiambag ng gymnastics team.

Nangunguna ang Indonesia na may 19-2117 medals may dalawang araw pa ang nalalabi sa taunang torneo para sa mga estudyante­ng atleta, habang nakabuntot ang Thailand (19-13-19), host Singapore (17-19-19) at Vietnam (13-18-8).

Umabot lamang sa 55 meters ang unang bato ni Lozañes at na-improved niya sa 58m sa ikalawang pagtatangk­a.

“Hindi pa kasi ako galit nun,” pabirong pahayag ni Lozañes, bunso sa dalawang anak nina Jinky at Mariano na isang mangingisd­a.

“After nung nakuha ko yung 66.39m distance, umiiling na ang mga kalaban ko eh,”aniya.

 ?? PSC PHOTO ?? RECORD BREAKER! Bukod sa nasungkit na gintong medalya para sa Team Philippine­s, nalagay sa record book si Iloilo City pride James Lozañes nang itala ang bagong record sa boys javelin throw (66.39 meters) sa 9th ASEAN Schools Games nitong Martes sa...
PSC PHOTO RECORD BREAKER! Bukod sa nasungkit na gintong medalya para sa Team Philippine­s, nalagay sa record book si Iloilo City pride James Lozañes nang itala ang bagong record sa boys javelin throw (66.39 meters) sa 9th ASEAN Schools Games nitong Martes sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines