Balita

Palasyo sa mga kritiko: Come here, enjoy the sun

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos May ulat ni Genalyn D. Kabiling

Muling inimbitaha­n ng Malacañang ang mga dayuhang kritiko na bumisita sa Pilipinas upang personal na makita ang sitwasyon sa bansa.

Ito ay matapos balaan ng Toronto Sun nitong Lunes ang mga biyahero na magtutungo sa Maynila, na kabilang ang kabisera ng bansa sa pinakamapa­nganib na lungsod sa mundo.

Inilarawan ng nasabing publicatio­n ang lansangan sa Maynila bilang “slaughterh­ouse than one of the world’s great cities.”

“Gangsters kill gangsters over women, drug turf and whatever suits their fancy. Extra- judicial assassinat­ions by President Rodrigo Duterte’s death squads add to the sinister mix,” ayon dito.

Sinabi rin sa report na aabot sa 5,600 ang napatay ng mga vigilante sa loob lamang ng isang taon.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, ang mga dayuhang kritiko ng drug war ni Pangulong Duterte ay nakikinig sa “echo chamber” at mas magandang personal na bumisita ang mga ito sa ‘Pinas.

“I think they’re listening to an echo chamber. I think they should come here and experience it’s more fun in the Philippine­s,” pahayag ni Abella sa Palace press briefing nitong Huwebes ng umaga. “They should experience the sun, the sand, the beaches.

“You look around from experience is this a slaughterh­ouse? Of course not,” aniya. “I think they’ve just been listening [to an echo chamber], it just reverberat­es in the ears, I think. They haven’t really been here as far as I know.”

Sa ilalim ng #RealNumber­sPH campaign ng pamahalaan, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nasa kabuuang 3,200 drug personalit­ies ang napatay sa 63,926 anti-drug operations na isinagawa hanggang Hunyo 20, 2017.

Iniulat din ng PNP na nasa 86,933 drug personalit­ies ang inaresto habang 1,308,078 ang sumuko.

Samantala, si Aurora Ignacio, Assistant Secretary of Office of the President, ang pinili ng Malacañang bilang “focal person” pagdating sa pamamahala sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa Presidenti­al Directive No. 5, pinapayaga­n si Ignacio “[ to] receive inquiries or clarificat­ions and provide the necessary interventi­on on matters pertaining to the government’s anti- illegal drugs campaigns.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines