Balita

Ormoc evacuees nagkakasak­it na

- Nestor L. Abrematea

ORMOC CITY – Nagpahayag ng pagkabahal­a ang mga awtoridad sa Ormoc City dahil isa-isa nang nagkakasak­it ang mga lumikas mula sa iba’t ibang barangay sa siyudad na napinsala sa 6.5 magnitude na lindol sa Leyte dalawa linggo na ang nakalilipa­s.

Ayon kay City Social Welfare and Developmen­t Officer Delia D. Corbo, nababahala sila sa pagkakasak­it ng evacuees sa iba’t ibang evacuation camp sa lungsod.

Aniya, nagkakasak­it ang evacuees dahil sa kawalan ng malinis na tubig, dahil napinsala ng lindol ang pinagkukuh­anan nila nito.

Sinabi ni Corbo na kailangan ngayon ng evacuees ng malinis na inuming tubig at mga gamot.

Dagdag pa niya, karamihan sa nagkakasak­it sa mga evacuation center ay mga bata, kabilang na ang mga nakatira sa mga temporary tent.

Bagamat wala pang ulat ng pagkasawi sa hanay ng evacuees, sinabi ni Corbo na nabibigyan naman ng kinakailan­gang gamutan ang mga nagkakasak­it na residente, dahil ilan sa mga ito ay nakatuloy sa tabi lamang ng Ormoc City Health Office.

Ayon kay Corbo, kailangan nila ng mas marami pang malinis na inuming tubig, mga portalet, mga tent, at mga gamot para sa evacuees.

Bagamat naibibigay ang lahat ng pangangail­angan ng evacuees, sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tumatangga­p ang pamahalaan­g lungsod ng mga donasyon mula sa iba’t ibang sektor.

Mgaresiden­tesa13kabu­ndukang barangay sa Ormoc ang inilikas sa city proper, at 2,204 na katao ang pinagbawal­an nang bumalik sa kanikanila­ng bahay dahil sa pagbibitak ng mga ito, at sa nakaambang peligro sa kanilang buhay, ayon sa CSWDO.

 ?? NESTOR L. ABREMATEA ?? SA’N NA KAMI TITIRA? Kabilang ang mga batang ito mula sa Bgy. Lake Danao sa mga taga-Ormoc City na naapektuha­n sa magnitude 6.5 na lindol sa Leyte dalawang linggo na ang nakalipas. Pinagbawal­an na silang bumalik sa kanilang barangay dahil sa peligrong nakaamba roon.
NESTOR L. ABREMATEA SA’N NA KAMI TITIRA? Kabilang ang mga batang ito mula sa Bgy. Lake Danao sa mga taga-Ormoc City na naapektuha­n sa magnitude 6.5 na lindol sa Leyte dalawang linggo na ang nakalipas. Pinagbawal­an na silang bumalik sa kanilang barangay dahil sa peligrong nakaamba roon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines