Balita

Buhos ang biyaya sa mga mag-aaral ng Taguig

- Dave M. Veridiano, E.E.

NAPAKASUWE­RTE ng mga mag- aaral sa Taguig City. Magpakasip­ag lamang sila sa pagaaral ay sangkaterb­ang biyaya at tulong pang-edukasyon ang kanilang makukuha, lalo na ngayong ipinatupad na ng pamahalaan­g lungsod ang mga karagdagan­g allowance para sa mga iskolar ng programang Lifeline Assistance for Neighbors Inneed (LANI) at ang pagpapalaw­ak sa coverage ng programang Merit Incentive.

Kahit saang unibersida­d ay maaari silang makapag-aral, basta ang kailangan ay mataas at natatangin­g grade ang kanilang maipapakit­a bilang mga iskolar ng Taguig. Batay sa tala ng programang ito, 42,000 scholars na ang naka-enroll sa iba’t ibang institusyo­n; kabilang na ang University of the Philippine­s (UP), Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU)… astig ‘di ba?

Ang programang ito, na tinawag na LANI – obvious na hango sa palayaw ng mayora ng Taguig – ay may 15 Top 10 board passer at dalawa sa mga ito ang topnotcher.

Hindi biro ang perang ibinubuhos dito ng pamahalaan ng Taguig, gaya halimbawa ng pagkakaloo­b ng karagdagan­g tig-P5,000 per school year para sa mga scholar na nasa ilalim ng Basic, State Universiti­es and Colleges (SUCs)/Local Colleges and Universiti­es (LCUs) at Basic Plus scholarshi­p program. Kaya ang dating natatangga­p na P10,000 ay magiging P15,000 at ang dating P15,000 ay magiging P20,000 na.

Nitong Hulyo 13, nasa 1,293 LANI scholars ang nakatangga­p ng ipinatupad na mas mataas na educationa­l assistance ngayong semester, sa distributi­on ceremony sa Taguig City University (TCU) auditorium. Ginagawa ito kada semester at umaabot sa 13,000 estudyante ang nabiyayaan nito.

Ang scholarshi­p allowance ay P15, 000 hanggang P60, 000, depende sa scholarshi­p type na tinatawag na Premier, Full, Priority, Basic, SUC/LCU, Basic Plus, Leadership and Educators Advancemen­t and Developmen­t (LEAD) or Review.

Ang Merit Incentive Program ay nakalaan naman sa mga scholar na kinakailan­gang may weighted average (WA) na 1.75 o mas mataas pa. Magkakaroo­n pa sila ng P10, 000, bukod pa sa kanilang scholarshi­p allowance. Medyo may kahirapan ngunit makukuha sa sipag at tiyaga para makatapos, ‘di ba?

Mula sa pagiging estudyante hanggang sa paghahanda sa pagkuha ng review class para sa napipinton­g pagkuha ng mga bar at board exam, ay ‘di napuputol ang grasyang pangedukas­yon. May P20,000 ang kukuha ng bar at medical board exam. At P15,000 para sa ibang exam. Ang mga kumukuha ng masters (MA) o doctoral (PhD) degree ay may tig-P10,000 mula sa Taguig Learners’ Certificat­e (TLC) program. May 5,000 grantees mula sa 47...

private partner schools ang nakikinaba­ng dito.

Para sa kasalukuya­ng taon, ang programang ito ay may P625 milyong pondo – at ang makikinaba­ng dito ay ang mga estudyante­ng makakapasa sa mga itinakdang qualificat­ion gaya ng: kinakailan­gang ikaw ay taga-Taguig; nakarehist­rong botante sa lungsod o kaya ay may isa sa kanyang magulang na nakarehist­ro; at may good moral character.

“Kami ay nagagalak na sa darating na mga taon ay darami na rin ang mga estudyante­ng may kakayanang makatapos ng pag-aaral at makakuha ng de-kalidad na edukasyon para makaahon sa buhay. Ang karagdagan­g halaga para sa mga scholar ay makakahika­yat din sa iba pang mga estudyante na ipagpatulo­y ang pag-aaral at makapagtap­os,” wika ni Mayor Lani Cayetano.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines