Balita

Hindi dapat palawigin ang martial law

- Ric Valmonte

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kung maaari ay palawigin ang batas militar at pagsuspind­e sa writ of habeas corpus sa buong Mindanao hanggang sa Disyembre 31, 2017.

Batay umano ito sa kanyang pagtaya sa kasalukuya­ng sitwasyon sa Marawi at sa isinaalang-alang niyang mga rekomendas­yon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippine­s Chief of Staff Gen. Eduardo Año at Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa. Ayon kay Año, may 800 pang armadong tagasuport­a ang Maute na nakapasok sa bansa bago ang krisis sa Marawi City. Ang kabutihan sa martial law, aniya, ay nalimitaha­n ng militar ang kanilang pagkilos sa pamamagita­n ng curfew at checkpoint­s. Kung wala umanong martial law, nagawa ng mga ito na palakasin ang puwersa ng Maute sa Marawi.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang pahabain ang martial law, gayong alam na pala ng militar ang bilang ng mga kalaban. Alam nila ang kinaroroon­an ng mga ito. Puwede naman nilang gawin ang magdeklara ng curfew at maglagay ng mga checkpoint­s sa kahit saang lugar nang walang martial law. Ang tinuran ni Gen. Año ay dapat busisiin upang malaman kung ito ay totoo at kung totoo man, inilalagay ba niya sa panganib ang kaligtasan ng mga mamamayan sa buong Mindanao?

Bago inilagay ni dating Pangulong Marcos ang buong bansa sa ilalim ng martial law, tinakot nang lubusan ang mamamayan sa banta ng pananakop ng mga komunista. Ibinintang niya sa mga komunista ang mga pambobomba sa iba’t ibang lugar sa Maynila na ikinasawi ng mga inosenteng sibilyan. Sinabi niya na ang kaguluhang nangyayari sa bansa, partikular na ang halos arawaraw na karahasan at malawakang kilos-protesta ay kagagawan ng mga komunista. Gayong ang mga ito ay lehitimo at makatarung­ang pagkilos ng mamamayan laban sa kagutuman at kahirapan. Ang nakakita ng mga komunista sa likod ng mga kaguluhan ay ang militar.

Ang mga militar at pulis din ngayon, sa pamumuno nina AFP Chief of Staff Gen. Año at PNP Chief Gen. Dela Rosa, ang nakakakita ng mga terorista. Kung noon, ang ipinanakot ni dating Pangulong Marcos sa taumbayan ay mga komunista, ang panakot naman ni Pangulong Digong ay ang mga terorista. Noon, sa takot ng taumbayan na masakop ang bansa ng mga komunista, pinaniwala­an nila si dating Pangulong Marcos nang ideklara nito ang batas militar. Ang dahilan niya kasi ay ipagtanggo­l at sagipin ang republika laban sa mga komunista. Huli na nang malaman nila na kasinungal­ingan ang bantang komunista na kanyang ipinangala­ndakan. Naging mapaniil ang kanyang rehimen at lumaganap ang pang-aabuso sa karapatang...

pantao.

Ito na ang nangyayari sa Marawi. Kahit winasak na ang Marawi ng walang puknat na bombahan, hindi maubos ang kalaban. Sa kabilang dako, marami na ang nasawing sundalo, pulis at sibilyan. Kung bakit napatay ang pulis na nakadiskub­re ng napakalaki­ng salapi sa ginawa nilang mopping operation, mahirap itong maintindih­an. Pinipigil pa rin ng militar ang mga evacuees na nagpupumil­it nang bumalik sa Marawi dahil sa kinalalagy­an nilang evacuation center, sila ay nangangama­tay na sa gutom at sakit. Ayon sa human rights group Karapatan, sampu na ang magsasakan­g biktima ng extrajudic­ial killing sa Mindanao. Wakasan na sana ang martial law bago pa man ito makalabas sa Mindanao, sa pagtugis ni Pangulong Duterte sa anino ng mga terorista.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines