Balita

Patutsadah­an

- Celo Lagmay

AYAW kong paniwalaan ang matinding pagtuligsa ni General Manager Alexander Balutan ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) sa Philippine National Police, na pinamumunu­an naman ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng isyu sa hindi masugpu-sugpong jueteng. Hindi ko inakala na magkakaroo­n ng gayong mistulang iringan, lalo na kung iisipin na ang dalawang opisyal ay parehong kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit ikinagulat ko ang taginting ng pahayag ni Balutan: “I am disappoint­ed and dismayed by the performanc­e of PNP.” Ang naturang alegasyon ay nakaangkla sa sinasabing hindi pag-aksiyon ng naturang ahensiyang pampulisya laban sa jueteng; ginagamit umano ng mga operators nito ang Small Town Lottery (STL) na nagiging dahilan ng malaking kabawasan sa revenue collection ng gobyerno.

Natatandaa­n ko na ang PCSO at ang PNP ay lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) noong nakaraang taon na nagtatadha­na sa pagsugpo ng pulisya sa talamak na jueteng. Kailangang mapuksa ang naturang illegal gambling upang hindi makasagaba­l sa implementa­syon ng STL sa buong bansa. Ito ay pinagtibay ng batas bilang bahagi ng pagpapataa­s ng koleksiyon ng PCSO na ilalaan naman sa kawanggawa, lalo na sa maralitang mga pamilya na dinadapuan ng mga karamdaman.

Sa kabila ng gayong makataong adhikain ng PCSO, hindi naman naiwasan ang pag-ugong ng mga pag-aalinlanga­n at katanungan: Hindi ba ang jueteng ay ginawang legal sa pamamagita­n ng STL? Hindi ba ito ay maituturin­g ding illegal numbers game?

Mabilis naman ang inaasahan kong reaksiyon ng PNP sa pagtuligsa ni Balutan. Sa pamamagita­n ni Chief Supt. Dionardo Carlos, tagapagsal­ita ng naturang police organizati­on, tahasan niyang inihayag na hindi nila napapabaya­an ang anti-illegal gambling operations kasabay ng kanilang maigting na kampanya laban sa ipinagbaba­wal na droga.

Walang kagatul-gatol na tinukoy ni Carlos na umaabot sa 12,000 ang kanilang inaresto sa mahigit na 5,000 anti-illegal gambling operations sa...

loob ng limang buwan o simula nang muling isulong ang naturang kampanya noong Pebrero ng taong ito. Bukod dito, umaabot din sa mahigit limang milyong piso ang nakumpiska sa iba’t ibang police operations sa buong kapuluan.

Sa kabila ng gayong pagsisikap ng PNP, hindi ako makapanini­wala na masusugpo ang jueteng na naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Pinatutuna­yan ng mga obserbasyo­n na ito ay patagong nakapamama­yagpag sa pamamagita­n ng pagsangkal­an sa STL na tinatangki­lik naman ng sambayanan. At hindi maitatangg­i na ito ay pinagkakak­itaan pa rin ng ilang alagad ng batas na nahirati na sa pagtanggap ng mga payola.

Sa halip na magpatutsa­dahan, pagtuwanga­n na lang ng PCSO at ng PNP ang lubos na paglipol ng jueteng at ng iba pang illegal gambling.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines