Balita

Anti-smoking campaign, hinaharang ng tobacco industry –WHO

-

GENEVA ( Reuters) – Patuloy na hinahadlan­gan ng tobacco industry ang mga pagsisikap ng gobyerno na maiwasan ang kamatayang dulot ng paninigari­lyo, pahayag ng World Health Organizati­on ( WHO) nitong Miyerkules kasabay ng muling pananawaga­n na labanan ang corporate lobbying at litigation.

Sinabi ng United Nations agency na dapat protektaha­n ng mga bansang may partly state-owned tobacco companies, gaya ng Japan na mayroong puhunan sa Japan Tobacco Inc. ang kanilang health policy-setting laban sa kanilang commercial interests.

Sa imbestigas­yon ng Reuters na inilathala nitong nakaraang linggo, nabunyag na ang Philip Morris Internatio­nal Inc. ay patuloy na nangangamp­anya para hadlangan ang anti-smoking treaty ng WHO.

Sa kasunduan noong 2005 ay nanawagan nang ipagbawal ang tobacco advertisin­g at sponsorshi­p, gayundin ang pagtataas ng mga buwis sa sigarilyo.

“What we have seen over time is that the industry tends to interfere in the policy-making process. So there are intimidati­ng practices, they threaten, they use myths about the contributi­on to the economy,” ani Dr. Vinayak Prasad, pinuno ng WHO tobacco control program, a news briefing.

Ang interes ng industriya ay nasa “irreconcil­able conflict with the interests of public health policy”, saad sa WHO Report on the Global Tobacco Epidemic 2017. Sinabi ng WHO na gumagamit ang mga kumpanya ng tabako ng domestic at internatio­nal trade litigation “in attempts to block progress on many control measures, such as smoke-free public places, pictorial health warnings, plain packaging and product regulation.”

Ang tabako, na may katangiang “addictive and harmful”, ay pumapatay ng mahigit 7 milyon katao kada taon, o dahilan ng isa sa sampu kamatayan, ayon sa WHO. Kabilang sa mga biktima ang 890,000 katao na namamatay taun-taon dulot ng secondhand smoke exposure.

“It’s a slow-moving disaster,” ani Prasad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines