Balita

Grab, Uber umapela para iwas- huli

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, ROMMEL P. TABBAD, at LEONEL M. ABASOLA

Hindi huhulihin ang mga “kolorum” na sasakyan ng transport network companies (TNCs) na Grab at Uber matapos silang maghain kahapon ng kani-kaniyang apela laban sa kontrobers­iyal na order ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) laban sa kanila.

Ayon sa LTFRB member at tagapagsal­itang si Aileen Lizada, ang paghahain ng mga motion for reconsider­ation ( MR) ay awtomatiko­ng nagsuspind­e sa kanilang kampanya laban sa mga transport network vehicle services ( TNVS) na nag- ooperate nang walang permit, na nakatakdan­g magsimula sa Miyerkules, Hulyo 26.

“The filing of the MR technicall­y holds in abeyance whatever decision, because it is not yet final. The pleading should be settled first,” ani Lizada.

Hiniling din kahapon ng Grab Philippine­s sa LTFRB na bawiin ng ahensiya ang kautusan nitong pagbawalan ang pagtanggap ng mga bagong aplikasyon para sa mga driver at sasakyan nito.

Nagbayad na rin kahapon ang Grab ng P5 milyon multa sa LTFRB, dalawang araw makaraang magmulta ng kaparehong halaga ang Uber.

Dahil dito, pansamanta­lang makapamama­sada ang mga unit ng dalawang app- based ridehailin­g service giant, habang kinukumple­to ng mga ito ang kinakailan­gang permit.

Nagbigay-daan ang LTFRB sa mosyon ng Grab at Uber batay sa napagkasun­duan ng magkabilan­g panig sa pulong sa Senado nitong Miyerkules, nang namagitan sa kanila si Senator JV Ejercito.

“LTFRB and TNVS both have faults which caused this brouhaha. LTFRB should have approved or rejected applicatio­ns faster. TNVS on the other hand shouldn’t have allowed units which have no papers at all into their system,” ani Ejercito.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? CONVENIENT RENEWAL Nagtayo ang Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ng one-stop shop para sa renewal ng certificat­e of public convenienc­e ng mga TNVS, gaya ng Uber at Grab, sa loob ng headquarte­rs sa Quezon City.
ALVIN KASIBAN CONVENIENT RENEWAL Nagtayo ang Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ng one-stop shop para sa renewal ng certificat­e of public convenienc­e ng mga TNVS, gaya ng Uber at Grab, sa loob ng headquarte­rs sa Quezon City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines