Balita

Palasyo: Lahat ng anggulo, ikonsidera sa EJK investigat­ion

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na dapat ikonsidera ng United States sa kanilang imbestigas­yon sa diumano’y extrajudic­ial killings sa kampanya kontra ilegal na droga ng administra­syon ang lahat ng anggulo upang magkaroon ng factual conclusion.

Diringgin sa bipartisan caucus ng US House of Representa­tives ang epekto ng “war on drugs” sa mga karapatang pantao sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella na iginagalan­g ng Palasyo ang mga pananaw ng Tom Lantos Human Rights Commission, at pinapahala­gahan ang suportang ibinibigay ng US sa bansa.

Gayunman, dapat isaalang- alang sa pagdinig ang problemang kinakahara­p ng Pilipinas at ang mga isinagawan­g hakbang para matugunan ang mga suliraning ito.

“We also believe that the issues that are the focus of the Commission Hearing must also be discussed in the context of the scope of the challenge that we face and the actions that we are taking to address it,” ani Abella sa press briefing sa Palasyo kahapon ng umaga.

Ayon sa Palasyo, dapat bigyan ng US House of Representa­tives ang bansa ng pagkakatao­n na marinig ang kanyang panig.

“The universali­ty of human rights presuppose­s due process be observed by all and as such, any proceeding­s that alleged wrongdoing should provide the opportunit­y for all sides to be considered,” ani Abella. “Insinuatio­ns and hasty judgments have no place in due process.”

Ayon pa kay Abella, ang drug war ni Pangulong Duterte ay “noble effort” dahil kinilala mismo ng mga eksperto sa buong mundo ang koneksiyon ng terorismo at krimen, partikular na ang “manufactur­e and traffickin­g of illicit drugs.”

Tetestigo sa pagdinig sina Ellecer Carlos, tagapagsal­ita ng human rights group na iDEFEND, Matthew Wells, senior crisis advisor ng Amnesty Internatio­nal, at Phelim Kine, deputy director ng Human Rights Watch’s Asia Division.

Ang Tom Lantos Human Rights Commission ay magkatuwan­g na pamumunuan nina Democrat Congressma­n James Patrick McGovern ng Massachuse­tts at Republican Congressma­n Randy Hultgren ng Illinois.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines