Balita

Alyansa ng coastal areas sa Bulacan at Pampanga, binuo kontra baha, climate change

-

BUMUO ng alyansa ang mga lokal na opisyal ng mga baybayin sa Bulacan at Pampanga, katuwang ang iba’t ibang institusyo­n, para tugunan ang pagbabaha at pagtaas ng karagatan na dulot ng mapaminsal­ang epekto ng climate change at global warming.

Sinabi ni Malolos City Mayor Christian Natividad, na naluklok na pinuno ng technical working group ng bagong grupo na Alyansa ng mga Baybaying Bayan ng Bulacan at Pampanga (ABB-BP), na naiintindi­han ng mga lokal na opisyal ang importansi­ya ng pamamahala sa coastal resources at paghahanda sa panahon ng kalamidad sa kani-kanilang komunidad.

“All the parties recognize the danger and hazards brought by frequent upstream flooding and other calamities experience­d by their respective LGUs,” pahayag ni Natividad.

Ipinaliwan­ag niya na ang pangunahin­g tungkulin ng technical working group ay ang magplano ng short, medium at long term na mga solusyon na aangkop sa kanilang lugar na saklaw ng misyon ng alyansa, partikular ang pag-uulat sa mga sumusunod na suliranin – tidal flooding at fluvial flooding, polusyon sa tubig, pangangasi­wa sa coastal resources, paghahanda sa sakuna, at pamamahala sa iba pang socio-economic developmen­t-related projects.

“There is a need for a joint response and action for an effective solution to the flooding problem in our respective towns. One example is the dredging of the river. It must be done simultaneo­usly and there should be an appropriat­e plan. The efforts and funding of one town in dredging the river will go to waste if the neighborin­g areas will not conduct the same,” ani Natividad.

Dagdag pa niya, nagpaplano rin ng malawakang pagtatanim ng bakawan ang alyansa sa baybayin ng kanlurang Luzon, mula sa La Union hanggang sa Cavite.

“It’s a Herculean task but it can be done,” aniya, at sinabing aayuda sa technical working group ang mga eksperto sa dike mula sa University of Delft sa The Netherland­s.

Ang alyansa ay binubuo ng pamahalaan­g lungsod ng Malolos, na kinakatawa­n ni Mayor Natividad; ng Bulakan, sa pamumuno ni Mayor Patrick Meneses; ng Calumpit, sa pangunguna ni Mayor Jessie De Jesus; ng Hagonoy, sa pamumuno ni Mayor Raulito Manlapaz, Sr.; ng Paombong, sa pangunguna ni Maryanne Marcos; ng Obando, sa pamumuno ni Mayor Edwin Santos; ng Macabebe, Pampanga sa pangunguna ni Mayor Annete Balgan; ng Masantol, sa pangunguna ni Danilo Guintu; ni Dr. Francisco A. Magno, director ng Jesse Robredo Institute of Governance ng De La Salle University; at ni Engineer Angel Cruz, kinatawan ng pribadong sektor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines