Balita

Awra, bida na sa ‘Wansapanat­aym Presents Amazing Ving’

-

PANIBAGONG superhero ang makikilala at kapupuluta­n ng aral ng mga manonood simula ngayong Linggo (July 23) sa pagganap ng breakout child star na si Awra bilang si Super Ving, ang tagapaglig­tas na makapangya­rihan at may pusong busilak sa Wansapanat­aym Presents: Amazing Ving.

Isang mabait at mapagmahal na anak si Ving ( Awra) na kaligayaha­n ang dulot sa kanyang mga magulang na sina Cris at Soffy, na gagampanan ng nagbabalik- telebisyon­g tambalan nina Roderick Paulate at Carmi Martin. Masaya at kuntento si Ving kasama ang kanyang pamilya habang dala-dala ang kanilang paniniwala­ng sapat ang busilak na puso para maituring ang isang tao na superhero.

Suportado man ng mga magulang, lagi siyang tampulan ng tukso ng kanyang mga kaklase sa pangunguna ng trending love team nina Kisses Delavin at Marco

Gallo bilang sina Chelsea at Warren. Sa kabila nito, patuloy na nagbibigay saya at nag-aaral nang maayos si Ving upang maabot ang kanyang mga pangarap.

Simpleng namumuhay si Ving at ang kanyang pamilya pati mga kaibigan, ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya ang superhero na si Super Bing ( Ellen

Adarna). Dahil sa kabutihang ipinakita ni Ving, magpapalit- anyo siya bilang Super Ving nang ipagkaloob sa kanya ang isang mahiwagang bato. Pero bukod sa pagpapanat­ili ng kapayapaan, may mas malaking misyon siyang kailangan gampanan bilang Super Ving -- ang sugpuin si Reptilya ( Bianca Manalo) at ang kasamaan nito.

Hindi magiging madali ang misyon ni Super Ving dahil maraming kampon si Reptilya na maghahasik ng lagim sa mga inosenteng tao. Gamit ang kanyang kapangyari­han, sisikapin ni Ving na palaganapi­n ang kabutihan at talunin ang kasamaan.

Abangan ang mga hamong haharapin ni Super Ving. Magtagumpa­y kaya si Reptilya sa kanyang masasamang plano? Sapat nga ba ang pagkakaroo­n ng busilak na puso upang matalo ang kasamaan? Mapapanood na ang Wansapanat­aym

Presents: Amazing Ving simula ngayong Linggo, mula sa direksiyon ni Alan

Chanliongc­o pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondeman­d.com.ph para sa Sky subscriber­s.

 ??  ?? Cast ng ‘Wansapanat­aym Presents Amazing Ving’
Cast ng ‘Wansapanat­aym Presents Amazing Ving’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines