Balita

Aussie scientists, nakalikha ng gamot na kayang lumaban sa cancer

-

NAKALIKHA na ang Australian researcher­s ng gamot na kayang baguhin ang immune system ng tao para malabanan ang cancer, inihayag kahapon.

Ang bagong theraphy, na nilikha ng Peter Maccallum Cancer Center, ay may kakayahang alisin ang immune cells sa katawan upang paunlarin ito sa labas at saka ibabalik sa sistema ng katawan para labanan ang cancer.

Ang naturang immunother­apy ay napagalama­ng epektibo nang panlaban sa blood cancer ngunit naghanap pa ng mas epektibong paraan sina Phillip Darcy at Paul Beavis para malabanan naman ang mga solidong tumor, sa unang pagkakaton.

Ayon kay Darcy, ang mas epetikbong immune cells, na kilala bilang CAR T cells, ay hindi epektibo laban sa mga solid tumor, na kayang maglabas ng metabolite na tinatawag na adenosine, na siyang sumisira sa cells.

Nakita rin ang abilidad ng ilang tumor na kayang baligtarin ang enhancemen­t na inilagay sa cells, upang ilipat sa T cells, na may kakayahang lumaban sa tumor.

“The suppressiv­e tumor environmen­t dampens down the ability of the immune cells so we needed to give the cells something extra to be able to work in those environmen­ts,” pahayag ni Darcy sa Australian media kahapon.

Matagumpay ang naging eksperimen­to ng mga mananaliks­ik nang subukan nila ang nilikhang gamot sa mga daga, na hinarang ang metabolite, na siyang naging daan para maging epektibo ang CAR T cells sa mga target tumor.

Pinagpapla­nuhan na nilang subukan ang gamot sa tao.

“We are really excited by the results and the possibilit­ies emerging from immunother­apy,” saad ni Darcy.

Ani Todd Harper, chief executive officer (CEO) of Cancer Council Victoria, sabik siya tungkol sa katuparan ng gamot “providing more targeted treatment with less side effects”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines