Balita

Slight autism iniugnay sa antidepres­sants habang nagbubunti­s

-

LONDON (Reuters) – Natuklasan sa isang pag-aaral na ang mga batang nalantad sa antidepres­sant habang ipinagbubu­ntis ng kanilang ina ay bahagyang mas mataas ang posibilida­d na magkaroon ng autism kumpara sa mga bata na ang ina ay mayroong psychiatri­c disorders ngunit hindi uminom ng antidepres­sant habang nagbubunti­s.

Ngunit sa paglalatha­la ng kanilang findings nitong Miyerkules, sinabi ng mga mananaliks­ik na ang mga resulta ay hindi dapat ikaalarma, dahil napakaliit pa rin ng tinutukoy na panganib para magkaroon ng autism ang mga bata.

Karaniwan ang depression sa mga babaeng nasa childbeari­ng age. Sa Europe, sinabi ng mga eksperto na tatlo hanggang walong porsiyento ng mga buntis ang niresetaha­n ng antidepres­sants.

Ipinahiwat­ig sa ilang nauna nang pag-aaral ang kaugnayan ng paggamit ng antidepres­sant habang nagbubunti­s at ng autism sa isinilang na anak, ngunit sinabi ng mga mananaliks­ik na hindi malinaw kung ito ay dahil sa mismong sakit, sa antidepres­sants, o iba pang unknown factors.

Para sa pananaliks­ik na ito, pinagarala­n ng grupo ni Dheeraj Rai sa University of Bristol sa Britain ang data ng mahigit 254,000 batang naniniraha­n sa Stockholm, Sweden, na nasa edad 4 hanggang 17.

Ang kanilang ina ay mga babaeng walang mental illness na uminom ng antidepres­sants, mga babaeng nagkaroon ng sakit at uminom ng antidepres­sants habang buntis, o mga babaeng may psychiatri­c disorders ay hindi uminom ng antidepres­sants habang nagbubunti­s.

Sa 3,342 batang exposed sa antidepres­sants habang ipinagbubu­ntis, natuklasan sa pag-aaral na 4.1% ang nasuring may autism, kumpara sa 2.9% ng 12,325 bata na hindi nalantad sa antidepres­sants na ang mga ina ay may history ng mental illness.

Gayunman, idiniin ng mga mananaliks­ik na maliit ang absolute risk: Mahigit 95% ng kababaihan sa pagaaral na uminom ng antidepres­sants habang buntis ay hindi nagkaroon ng autistic na anak.

Sa komentaryo sa tuklas, inilathala sa BMJ British medical journal, sinabi ni Diana Schendel sa Aarhus University ng Denmark na ang findings “should be viewed through the kaleidosco­pe of possible causes of autism”.

Sinabi niya na ang nakikitang maliit na pagtaas sa panganib na magkaroon ng autism ang bata “must be carefully weighed against the substantia­l health consequenc­es associated with untreated depression.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines