Mag-Asawaý 'Di Biro
Ika-66 na labas
SAMANTALA, sa opisina ng magkumpareng Efren at Serafin, na wala pa namang pinagkukumparehan, simula pa kaninang magsimula ang trabaho, tahimik ang dalawa. At nangyari yata iyon sa unang pagkakataon. Dati, basta’t nagtagpo ang dalawa, hindi na natutuyo ang usapan. Sa totoo nga, napaka-aga ni Efren sa compound ng opinion ng opisana nila. Sa kantina na nga siya nagalmusal. Nakita pa nga niya ang pagdating ni Serafin pero sinadya niyang mismong oras na ng trabaho siya pumasok ng opisana para hindi na magkaroon ng pag-uusap nila.
Si Serafin ang hindi nakatiis. “Soryy, pareng Efren!” Hindi siya kumibo. Matagal na katahimikan bago muling nagsalita si Serafin: “Sorry talaga, pare!” Muli, hindi siya kumibo. Muli, matagal na katahimikan. Pero si Serafin pa rin ang bumasag. “Kinuwento ko sa mareng Precy mo na nagtatampo ka sa’kin. ‘Kako, sila ni mareng Deth ang dahilan, lalong nagalit.”
Sa loob ni Efren na hindi niya sinabi: Mabuti nga sa’yo! Ako nga, mas sa iyo. Mas matigas ako. Ako yata ang lalaki sa’min.
Ulk! Baka mapanindigan mo ‘yan, Efren. Kaya mo pa bang matulog uli sa sofa. Di ba may diperensiya ang bentilador n’yo sa sala. Di ba ilang beses huminto? Sa kuwarto n’yo sa kung saan naroon si Deth, alam mong mas malaki at walang panganib na masira ang bentilador doon.
“’Kala ko nga, ayos na kami. Sumiklab uli ang galit sa’kin. Ang masakit, kinalmot ako, o.” Pabulong ang pagsasalita ngayon ni Serafin kahit na ang layo nila sa kanilang mga kasamahan ay tiyak na hindi maririnig ang karaniwang pag-uusap. O kung maririnig man ay malamang na hindi maiintindihan.
Ang ipinakikita ni Serafin, na hindi naman niya tinitingnan, ay ang bahagi ng itaas ng kilay nito na may maliit na plaster. Na sa isang kunwari’y hindi sinasadyang sulyap ay nakita rin niya. At ibig niyang matawa dahil hindi naman talaga natakpan ng naturang plaster ang sinabing kalmot. Mahaba ang kalmot.
“Kelangan siguro, pare…
magtulungan tayo. Batiin mo na rin si mareng Deth. Sa tingin ko, kahit magmakaawa ako ngayon… hindi na ako babatiin ng kumare mo. Hindi ko kaya ‘yon, pare.”
Bigla ang kislap sa
utak ni Efren: Hindi pa pala niya ganap na kilala ang kumpareng Serafin niya. Sa tingin niya ang isang lalaking payatot at uubo-ubo na may kolyar ng aso sa leeg at may tanikala. Ang dulo ng tanikala ay hawak ng isang matabang babaeng mabalasik ang mukha at walang tigil ng pagmumura habang hinahatak-hatak ang tanikala para pasunurin kung saan niya gusting hatakin ang kaawawang lalaki.
“Ah, hindi mangyayari sa’kin ‘yan!” Napatindi ang dagok ni Efren sa mesa na ikinalingon ng ilan nilang katrabaho.
Gusto sana niyang ipaliwag: Hindi ikaw ang sinasabihan ko. Pero hindi naman siya kumibo.
Hindi na rin kumibo si Serafin. Namarati silang walang kibuan hanggang sa dumating ang uwian
noong hapon iyon.
Buo na sa isipan ni Efren: Hindi siya matutulad kay Serafin na sa palagay niya ay under de saya. Lalong hindi siya tutulad sa lalaking nakita niya sa kanyang imahinasyon na may taling tanikala sa leeg at hinatak ni Deth kung saan siya gusting dalhin.
“Imposibleng mangyare ‘yon sa’kin!” bulong ni Efren. ‘”Hindi ako tutulad sa lalaking ‘yon!” Itutuloy…