Balita

HUMIRIT PA!

Apat na ginto kay Ilustre; ‘most bemedalled’ Pinoy sa 9th ASEAN Schools Games

-

SINGAPORE – Tinuldukan ni Maurice Sacho Ilustre ang matikas na kampanya sa swimming event nang pagwagihan ang boys 200m butterfly nitong Miyerkules para sa ikaapat na gintong medalya sa 9th ASEAN Schools Games sa Singapore Sports School.

Naitala ni Ilustre, Grade 12 student sa De La Salle Zobel, ang tyempong dalawang minuto at 03.67 segundo para gapiin ang karibal na sina Rhys Jun Kai ng Singapore (2:05.58) at Zelmi Aryalingga Azel ng Indonesia (2:06.01).

Bunsod ng panalo, nahila ni Ilustre, top athlete sa nakalipas na Palarong Pambansa sa San Jose, Antique kung saan winalis niya pitong event na nilahukan, ang gold medal haul ng Team Philippine­s sa 13, ngunit sapat lamang ito para sa ikaanim na puwesto sa overall team standings.

Kasama ang kabuuang walong silver at 21 bronze sa penultimat­e day ng kompetisyo­n, puwesto ang RP Team sa likod ng nangunguna­ng Thailand (29-26-32), habang pangalawa ang Indonesia (25-33-29) kasunod ang Singapore (24-27-27), Vietnam (20-21-10) at Malaysia (13- 11-27).

Sa kabila nito, ikinalugod ni Philippine­s Chef-De-Mission Rizalino Jose Rosales ang pinakamati­kas na kampanya ng Pinoy studentath­letes sa taunang torneo. Nalagpasan nila ang 11-14-22 medalya sa 2014 edition.

“Nagdeliver kasi ng medals lahat ng events. Kaya satisfied ako sa lahat ng performanc­e ng mga teams, ”pahayag ni Rosales.

Sumandig ang delegasyon sa swimming, sa pangunguna ni Ilustre.

“Malaking tulong talaga yung training ko sa US para magimprove ako,” sambit ng 16-anyos na pambato ng Dapitan, Manila.

Nakamit niya ang panalo sa boys 200m freestyle, boys 100m backstroke at boys 100m butterfly.

Naidagdag naman ni Bhay Maitland Newberry sa dalawang gintong napagwagih­an sa ikalawang araw ang silver medal sa girls 50m backstroke sa tyempong 30.54 segundo. Naungusan siya ni Indonesian Kemala Fathihia Sofie (30.47), habang bronze si Tepbud Sutatta ng Thailand (31.26).

 ?? PSC ?? CAGE GOLD! Ibinida ng mga opisyal at miyembro ng Philippine girls basketball team ang bandila ng bansa matapos gapiin ang host Singapore, 82-32, nitong Miyerkules ng gabi para makopo ang gintong medalya sa 9th ASEAN Schools Games sa Tampines Sports...
PSC CAGE GOLD! Ibinida ng mga opisyal at miyembro ng Philippine girls basketball team ang bandila ng bansa matapos gapiin ang host Singapore, 82-32, nitong Miyerkules ng gabi para makopo ang gintong medalya sa 9th ASEAN Schools Games sa Tampines Sports...
 ?? PSC ?? NAKAMIT ni Maurice Sacho Ilustre (gitna) ang ikaapat na gintong medalya sa indibidwal event ng swimming para tanghaling ‘most most bemedalled’ sa Philippine delegation sa 9th ASEAN Schools Games sa Singapore.
PSC NAKAMIT ni Maurice Sacho Ilustre (gitna) ang ikaapat na gintong medalya sa indibidwal event ng swimming para tanghaling ‘most most bemedalled’ sa Philippine delegation sa 9th ASEAN Schools Games sa Singapore.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines