Balita

2 sa Abu Sayyaf todas, 2 sugatan sa bakbakan

- Francis T. Wakefield

Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang makasagupa ng militar na nagtatangk­ang mag-rescue ng mga bihag ng grupo sa Sulu, nitong Huwebes.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, batay sa report na kanyang natanggap, nangyari ang sagupaan bandang 6:25 ng umaga.

Nabatid na nagsasagaw­a ng rescue operations ang 21st Infantry Battalion, sa ilalim mg JTF Sulu, sa mga bihag ng ASG nang makaengkuw­ento nila ang nasa 30 bandido sa Sitio Tubig Kawas sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu.

Napatay sa bakbakan ang mga bandidong sina Benajir Intag at Bassal Mahalli.

Nasamsam ng militar sa lugar ng engkuwentr­o ang limang matataas na kalibre ng baril, na kinabibila­ngan ng isang K3 squad automatic weapon, isang M16A1 Colt na nakakabita­n ng M203, at isang M653 Elisco na may M203.

Narekober din mula sa pansamanta­lang pahingahan ng Abu Sayyaf ang dalawang cell phone, tatlong solar panel, at walong backpack na may mga pagkain at mga personal na bagay.

“One of our soldiers was wounded and was immediatel­y extricated by the responding troops to be given medical attention,” sabi ni Sobejana. “He is now on stable condition and is already recuperati­ng.”

Batay sa huling datos ng militar, 285 miyembro ng ASG ang naneutrali­ze na sa Western Mindanao. Sa bilang na ito, 112 ang napatay, 103 ang sumuko, at 70 ang naaresto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines