Balita

Pista ni Sta. Maria Magdalena sa Pililla, Rizal

- Clemen Bautista

ANGsilanga­ng bahagi ng Rizal ay binubuo ng bayan ng Cardona, Morong, Baras, Pililla at Jalajala. Ang mga ito ay sakop ng ikalawang distrito na may kanya- kanyang kasaysayan ng pagkakatat­ag. Pawang nasa tabi ng Laguna de Bay at masisipag, magagalang at may loob sa Diyos ang mga mamamayan, at matibay ang pagpapahal­aga sa mga namanang tradisyon na bahagi ng kultura.

Mababanggi­t na halimbawa ang pagdiriwan­g ng kanilang kapistahan. At ngayong Hulyo 22, ipinagdiri­wang ng Pililla ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena na kanilang patroness. Ito ay bahagi ng kanilang pasasalama­t sa Poong Maykapal. Bilang panimula, nagdaos ng nobena misa sa simbahan ng Pililla na dambana ni Sta. Maria Magdalena. Nagkaroon din ng mga amateur singing contest na ginanap sa covered court ng Barangay Imatong.

Ngayong Hulyo 22, ipinagdiri­wang din sa Saint Clement parish, sa Angono, ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena. Bahagi ng pagdiriwan­g ang isang misa na susundan ng prusisyon. Ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena ay ipinagdiri­wang din ng mga tagaMagdal­ena, Laguna.

Sa pagdiriwan­g ng kapistahan ni Sta. Maria Magdalena sa Pililla, bahagi rin ang parada at serenata ng mga banda ng musiko (brass band) na handog ng mga barangay, tulad ng Bgy. Hulo, Bagumbayan, Wawa, Imatong, at Tacungan. Tampok na bahagi ng kapistahan ang isang concelebra­ted at thanksgivi­ng mass. Pangunguna­han ito nina Bishop Francisco de Leon, ng Diyosesis ng Antipolo, at Father Alfredo Meneses, Jr., ang bagong kura paroko ng Parokya ni Sta. Maria Magdalena at ng iba pang pari ng Diocese ng Antipolo. Kasunod ang prusisyon ng imahen ni Sta. Maria Magdalena.

Sa bahagi ng talambuhay ni Sta. Maria Magdalena, sinasabing siya ay kapatid nina Sta. Marta at Lazaro ( ang lalaking muling binuhay ni Kristo). Ang pangalan ni Sta. Maria Magdalena ay hango sa salitang MAGDALA, isang lugar sa kanlurang dalampasig­an ng Galilea, malapit sa Tiberias sa Holy Land. Si Sta. Maria Magdalena ay unang nakatagpo ni Kristo sa Kanyang public ministry sa Galilea. Naging mas malapit siya kay Kristo nang muli Niyang buhayin si Lazaro na makalipas ang tatlong araw. Ang pagbuhay na ito ni Kristo kay Lazaro ay isa sa mga milagrong ginawa Niya sa panahon ng Kanyang pangangara­l.

Hanggang sa kamatayan sa Kalbaryo at Muling Pagkabuhay ni Kristo, naroon si Sta. Maria Magdalena at naging saksi sa katuparan ng pagtubos sa sala ng sangkatauh­an. At ayon sa Eastern tradition, si Sta. Maria Magdalena, matapos ang Pentekoste­s, ay nakasama ng Mahal na Birhen Maria at ni San Juan Ebanghelis­ta sa Ephesus hanggang sa siya ay namatay at inilibing. Ang huling 30 taon ng buhay ni Maria Magdalena ay iniukol niya sa kabanalan. Sa Epeso rin itinayo ang dambana ni Sta. Maria Magdalena noong ikalawang siglo. Si Sta. Maria Magdalena na babaeng makasalana­n ang nagbuhos ng pabango sa paa ni Kristo. Umiyak siya na tanda ng kanyang pagsisisi. Ang kanyang luha ay pumatak sa paa ni Kristo at kanyang pinunasan ng kanyang buhok. At pinatawad siya ni Kristo.

Sa kasaysayan ng Pililla, sinasabing nang dumating ang mga unang paring misyoneron­g Franciscan­o noong 1572 ay tinawag ang lugar na “PILANG MORONG” sapagkat nasa pamamahala ng Morong. Noong 1583, ang bayan ay nahiwalay sa Morong at tinawag na PILILLA.

Itinayo noon ang simbahan ngunit nasunog noong 1632, at muling itinayo noong 1673. Mula noon hanggang ngayon, ang simbahan sa Pililla ay nagsilbing dambana ni Sta. Maria Magdalena.

Ang kapistahan ay bahagi na ng kultura at tradisyon na nagpapatin­gkad sa pagkakakil­anlan ng isang bayan. Nakaugat na ito ngayon sa mga taga-Pililla, kasama ang pagpaparan­gal kay Sta. Maria Magdalena. O, Magdalena na aming kasi, sa Diyos, idalangin mo kami.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines