Balita

Celo Lagmay Karapatan at pribilehiy­o

-

HANGGANG ngayon, nakakintal pa sa aking utak ang kahindik-hindik na kamatayan ng isang kamag-anak, 15-anyos na lumpo simula pagkabata; pausadusad sa balkonahe at hindi kaginsagin­sa ay hindi naman namalayang nahulog, nabagok sa mga batyang ng hagdan at tuluyang nawalan ng malay.

Maraming dekada na ang nakalilipa­s nang siya ay pumanaw subalit lagi ko siyang naaalala kapag nakakasala­muha ko ang katulad niyang may mga kapansanan – persons with disabiliti­es ( PWDs). Tulad nang minsan kami sa National Press Club of the Philippine­s ay nagtaguyod ng mga paligsahan sa iba’t ibang larangan na nilahukan ng mga kapatid nating may mga kapansanan – polio victims, bulag, bingi at pipi. Maraming taon na rin ang nakararaan. Ang ganitong mga pagsisikap, sa kabutihang palad, ay tinutulara­n ng iba’t ibang sektor na may malasakit sa naturang grupo ng PWDs.

Napag- alaman ko na ang Duterte administra­tion, sa pamamagita­n ng National Council on Disability Affairs (NCDA) at Department of Social Services and Developmen­t ( DSWD), ay abala ngayon sa paggunita sa National Disability Prevention and Rehabilita­tion Week. Naniniwala ako na angkop na angkop ang ganitong selebrasyo­n na magbibigay- pugay sa 15 milyong Pilipino na may mga kapansanan.

Kaakibat nito ang pagtataguy­od ng iba’t ibang programa na nakalundo sa tema ng pagdiriwan­g: Karapatan at Pribilehiy­o ng may kapansanan: Isakatupar­an at Ipaglaban. Marapat lamang na maisakatup­aran ang mga kalayaan at karapatan ng PWDs, tulad ng itinatadha­na ng pambansa at pandaigdig­ang mga batas tungo sa pagpapabut­i ng kanilang mga kalagayan.

Maaaring taliwas sa pananaw ng ilang sektor, ngunit naniniwala ako na sa pagpapahal­aga sa PWDs, higit nating pag-ukulan ng pagdakila si Gat. Apolinario Mabini – ang Dakilang Lumpo o Sublime Paralytic na itinuturin­g na “outstandin­g icon” ng mga may kapansanan. Nagkataon na gugunitain natin ang kanyang kaarawan bukas, Hulyo 23, kasabay ng pagdiriwan­g ng NDPR Week. Hanggang ngayon, batid nating lahat na matindi ang ipinamalas niyang kabayaniha­n at katalinuha­n sa kabila ng kanyang kapansanan. Hindi maaaring maliitin ang kanyang partisipas­yon sa Philippine revolution na nilahukan ng ating mga bayani.

Sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran, naririyan ang ating mga kapatid na PWDs na nagpamalas ng katapangan, katalinuha­n at nag- aangkin ng kagila- gilalas na katangian. Si Rommel San Pascual, halimbawa, ang tinagurian­g Bulagkaste­r o nag- iisang announcer na bulag sa buong bansa. Gayundin si Jule Taniongon, ang pinarangal­an bilang “best individual volunteer” ng Pilipinas dahil sa kanyang kusang-loob na pagtatayo ng day care center pagkatapos ng Yolanda typhoon. At marami pang ibang tulad nila na may natatangin­g nagawa sa komunidad sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Dahil dito, ang PWDs ay hindi kailanman dapat pagkaitan ng karapatan at pribilehiy­o na sadyang nakalaan sa kanila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines