Balita

Ric Valmonte Naging pangulo si DU30 dahil kay Noynoy

-

“KAPALARANo tadhana,” sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong sa kanya kung sino ang may sala sa nangyari sa Mamasapano, Manguindan­ao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force ( SAF). Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng usurpation of authority si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa insidenten­g ito. Nag-ugat ang kaso nang hayaan niyang si dating PNP Chief Alan Purisima ang mamahala sa operasyon ng SAF upang dakpin ang Malaysian terrorist na si Marwan. Eh, suspendido na noon si Purisima sa salang graft. Kay Pangulong Duterte, hindi magtatagum­pay ang kasong ito dahil bilang commander-in-chief, karapatan niyang gamitin ang sinuman sa anumang operasyon laban sa kriminalid­ad. Nang hingan ng payo ni Ex-PNoy ang isang profession­al police, ayon kay Pangulong Duterte, ay hindi mali. Nagtagumpa­y naman umano ang operasyon ng SAF dahil napatay si Marwan, kaya lang nalagas ang 44 na miyembro ng SAF.

Sa argumento ni Pangulong Duterte na wala ring mangyayari sa isinampang kaso ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy, isinulong niya ang kapakanan ng dating pangulo.

Ngunit, ginamit niya ang nasabing kaso upang muling buweltahan si Ombudsman Conchita Carpio Morales. Sukat ba namang tawagin niyang “bugok” ang desisyon nito. Galit si Pangulong Duterte kay Morales dahil pinuna nito ang pagbabanta­ng papatayin ang mga kriminal. Hindi iyon katanggap-tanggap, ayon kay Morales. Hinihikaya­t umano nito ang mga tao na pumatay ng kanilang kapwa. ”Hindi tao, kundi kriminal ang sinabi kong papatayin ko,” diin ng Pangulo. Ang problema rito ay sino ang magsasabi na kriminal ang isang tao? Mismong mga pulis ang nagsasabi at humahatol na kriminal ang mga taong kanilang ibinubulag­ta sa araw- araw. Nawala na ang pagkakaiba ng tao sa kriminal. Binura ito ng banta ni Pangulong Duterte.

Sa totoo lang, nagkaroon ang Pilipinas ng Pangulong Duterte dahil kay dating Pangulong Noynoy. Sa loob ng anim na taong panunungku­lan ng dating pangulo, inilugmok niya ang mamamayan sa mabibigat na problema. Kung nangampany­a siya noon sa slogan na: “Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap,” lumala naman ang kahirapan dahil sa kaliwa’t kanang kurapsiyon sa gobyerno nang siya ay maupo. Kasi, sabi nga ni dating Senador Joker Arroyo, pinatakbo niya ang gobyerno na parang student council. Sa panahon niya, nangamba ang mamamayan para sa kanilang kaligtasan. Ang lumagong negosyo ay ilegal na droga na nagpalala sa karumaldum­al na krimen.

Nagwagi si Pangulong Duterte dahil pinangakua­n niya ang sambayanan na susugpuin niya ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Shortcut ang pamamaraan­g ginagawa ni Pangulong Digong sa paglutas sa problema ng bansa, gaya ng martial law at war on drugs. Courtesy ito ni Pangulong Noynoy.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines