Balita

MABUTING BALITA

- Awit 3:1-4b [o 2 Cor 5:14-17] ● Slm 63 ● Jn 20:1-2, 11-18

Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta sa libingan si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”

Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama’y nasa may paanan ng kinalagaka­n ng bangkay ni Jesus.

Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Jesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon. PAGSASADIW­A:

Huwag mo akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama.— Ang wagas na pagmamahal ni Maria kay Jesus ang nagdala sa kanya sa libingan. Nalungkot siya at tumangis sapagkat wala ang katawan ni Jesus, ang mahal niyang Guro. Nakilala lamang ni Maria si Jesus na Muling Nabuhay nang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Marahil, sa tindi ng kanyang tuwa, nais ni Maria na hawakan si Jesus ngunit pinigilan siya nito sapagkat hindi pa siya nakakaakya­t sa Ama. Maaaring pinigilan siya ni Jesus dahil kumakapit pa siya sa nakaraan sa dating pagkakilal­a niya kay Jesus at sa kanyang pisikal na presensya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines