Balita

Marinerong Pinoy, tumibay sa asam na playoff

-

Mga Laro sa Lunes (Ynares Sports Arena, Pasig) 3 n.h. -- Gamboa Coffee Mix vs Marinerong Pilipino 5 n.h. -- AMA Online Education vs Tanduay

NALUSUTAN ng Marinerong Pilipino ang Wang’s Basketball sa mahigpitan­g duwelo tungo sa gahiblang 83-82 panalo nitong Huwebes para patatagin ang arya sa playoff sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naghahabol sa 13 puntos, 67-80, may 4:46 ang nalalabi sa laro, kumasa si Mark Isip para pangunahan ang 16-2 run ng Skippers, kabilang ang krusyal na assist kay John Lopez para sa go-ahead bucket at agawin ang bentahe may 27.6 segundo ang nalalabi.

Nadepensah­an ni Julian Sargent ang potensyal na game-winner ni Jon Gabriel sa buzzer para maselyuhan ang panalo ng Marinerong Pilipino.

“Clearly, it was the grace of God. It was our faith that gave us the positive attitude na kahit down by 13 kami in the last four minutes, we didn’t waive and kept on believing that God will help us,” pahayag ni coach Koy Banal.

Naitala ni Isip ang conference­best 29 puntos, siyam na rebound at tatlong steal.

Nag- ambag si Lopez ng 12 puntos, walong board at tatlong assist, habang kumana si JR Alabanza ng siyam na puntos at limang rebound.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Skippers para mahila ang karta sa 4-4.

Magagawang makausad ng Marinerong Pilipino sa quarterfin­als kung maipapanal­o ang huling dalawang laro kontra Gamboa Coffee Mix at AMA Online Education.

Tinapos naman ng Wangs Basketball ang eliminatio­n round na may 5-5 marka.

Nanguna sa Couriers si Gabriel sa nakubrang 19 puntos at limang rebound, habang tumipa si Michael Juico ng 17 marker at apat na board.

Sinibak naman ng Batangas ang Racal Motors, 95-90.

Hataw si Jessie Saitanan sa naiskor na 19 puntos para sandigan ang Batangas sa ikalimang panalo, habang umeksena si Jhaps Bautista na may 18 puntos.

“I’m very thankful kay God for helping us sustain this game and thankful ako sa mga players na kahit wala si Joseph, sabi ko gawin natin siyang inspirasyo­n. We are better together so masaya ako na nagrespond sila,” sambit ni coach Eric Gonzales.

Iskor: (Unang Laro) MARINERONG PILIPINO 83 - Isip 29, Lopez 12, Alabanza 9, Iñigo 8, Sargent 8, Subido 7, Moralde 5, Marata 4, Javelona 1, Javillonar 0.

WANGS BASKETBALL 82 - Gabriel 19, Juico 17, Herndon 15, Tayongtong 11, Habelito 6, Montemayor 6, Sorela 4, Ambulodto 2, Arambulo 2, Bitoon 0, De Chavez 0, Riley 0.

Quarters: 12-18, 40-38, 63-69, 83-82.

(Ikalawang Laro) BATANGAS 95 - Saitanan 19, Bautista 18, Ablaza 17, De Joya 10, Isit 8, Zamora 7, Napoles 4, Ragasa 4, Dela Peña 3, Laude 2, Anderson 2, Mendoza 1, Mag-isa 0.

RACAL MOTORS 90 - Pontejos 26, Ortuoste 10, Ayonayon 9, Capacio 8, Cortes 8, Tallo 7, Apreku 6, Gomez 6, Mangahas 4, Cabrera 3, Grimaldo 3, Faundo 0, Octubre 0, Lozada 0.

Quarters: 21-19, 49-43, 73-69, 95-90.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines