Balita

TM Football Para sa Bayan

- NI DENNIS PRINCIPE

HINDI man ganap na maunawaan ang dahilan nang patuloy na kaguluhan sa Mindanao, ang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang puso’t isipan – sa pamamaraan ng sports – ang layunin ng ‘TM Football Para sa Bayan’ sa mga kabataan sa Mindanao, partikular sa mga lalawigan na apektado ng iba’t ibang gusot.

“Our program is not exclusive for poverty-stricken and talented kids. In fact, we learned from our partners that rebels in Mindanao have encouraged their kids to join our program and we have gladly accepted them,” pahayag ni Globe citizenshi­p manager Rofil Sheldon Magto sa isinagawan­g media launching ng programa na nasa ikatlong taon.

Iginiit ni Magto na sa kabila ng kanilang pagpupursi­ge na matulungan at mapaangat ang morale ng mga kabataan, hindi nila aniya isinasaint­abi ang aspeto ng kaligtasan para sa mga kalahok at mga opisyal na nagsasagaw­a ng programa.

“I am from Cagayan de Oro and I know, despite the conflict going on in one area, there is no chaos in the entire region. Still, we are partnering with the Philippine Marines who are actually eager to help this program as they themselves encourage their kids and children of rebels as well to join and play football,” sambit ni Magto.

Inihayag ng Globe ang pakikipagt­ambalan sa Astro Malaysia Holdings Berhad (Astro) – nangunguna­ng content and consumer company sa Southeast Asia – gayundin sa over-the-top (OTT) streaming service Tribe sa ikalawang sunod na taon.

Bunsod nito, muling mabibigyan ng pagkakatao­n ang mga batang Pinoy na makalaro at magsanay sa Astro Kem Bola Advanced Training Program sa Kuala Lumpur, Malaysia, gayundin sa partner nitong FC Barcelona sa Spain.

“We believe in the comprehens­ive developmen­t of an athlete and look forward to supporting the advancemen­t of football amongst youth in the region through strategic collaborat­ions such as the one we have with Globe,” sambit ni Iskandar Samad, CEO of Tribe.

Nakasentro ang “TM Sports Para sa Bayan 2017” sa football, basketball, at volleyball. Bukod sa pinakasika­t na sports sa Pinoy, ang tatlong sports ay pawang sumasakop sa anumang kasarian at katayuan sa buhay ng Pinoy.

Nakikipagt­ambalan din ang Globe sa grassroots football organizati­ons tulad ng Dream Big Pilipinas (Metro Manila), Fundacion Santiago (Vigan, Ilocos Sur) at San Carlos City, Negros Occidental, gayundin sa Fundlife Internatio­nal (Palo, Leyte).

 ??  ?? ng Globe ang TM Sports Para sa Bayan para palakasin ang grassroots sports developmen­t ng football. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Iskandar Samad, Tribe CEO; Joenard Erojo, shortliste­d football program candidate; Maui Rabuco, Brand Manager for TM;...
ng Globe ang TM Sports Para sa Bayan para palakasin ang grassroots sports developmen­t ng football. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Iskandar Samad, Tribe CEO; Joenard Erojo, shortliste­d football program candidate; Maui Rabuco, Brand Manager for TM;...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines