Balita

Hasmine Killip, Best Actress sa Gawad Urian

- Ni LITO MAÑAGO

INULANng congratula­tory messages ang Facebook account ng bagong hirang na Urian Best Actress na si Hasmine Killip para sa kanyang mahusay na pagganap sa Pamilya Ordinaryo.

Tinalo ni Hasmine sa 40th Gawad Urian ang ilang beteranong aktres na kinabibila­ngan nina Nora Aunor ( Hinulid), Laila Ulao ( Women of the Weeping River), Jaclyn Jose ( Ma’Rosa, na ginawaran ng Best Actress sa Cannes 2016), Elizabeth Oropesa ( Mrs.), Cherry Pie Picache ( Pauwi Na), Ai Ai de las Alas ( Area), Charo Santos- Concio ( Ang Babaeng Humayo), Irma Adlawan ( Oro), at Angeli Bayani ( Ned’s Project).

Kasalukuya­ng nasa London si Hasmine dahil doon sila nakatira ng kanyang mister na si Anthony Killip. Kasisilang din niya ng kanilang first baby na si Maya Venice Killip nitong nakaraang Hunyo 29 sa Whipps Cross University Hospital.

Ang direktor ng Pamilya Ordinaryo na si Eduardo Roy, Jr. (nominado rin bilang Best Director) ang tumanggap ng trophy ng magaling na actress.

Sa pakikipag-usap namin kay Hasmine via Facebook messenger, aniya, “Wala akong alam, sa totoo lang, busy ako kay baby... nag-breastfeed.”

Sa isang kaibigan daw niya nalaman na nanalo siya sa Gawad Urian. Inisip daw niya, nanalo siya sa isang UK lottery.

“Nasa isip ko, baka ‘yung dito sa UK postcode winner na nanalo ng £150K lol! Sabi niya sa Urian. Sabi ko, gaga! Walang

pag-asa roon kasi nga beterano yung andu’n, at baka mali ‘ yang siya pero nominated ako sa Urian. Sabi pa niya, tingnan ko raw sa Facebook. Hayun, ang dami ngang nagko- congratula­te. Wahahahaha!” kuwento niya.

Ayon sa newbie award- winning actress, masaya ang asawa niya sa sunudsunod na pagwawagi niya ng Best Actress at may go- signal na rin ang kanyang mister na kapag may magandang project sa ‘Pinas, papayagan siyang umuwi at gawin ito.

“Very happy siya sa mga nakuha kong parangal,” wika pa ni Hasmine “Proud na proud siya. Sabi pa niya kung may magbibigay daw ng work ulit saken diyan sa ‘Pinas, susuportah­an daw niya ako kasi alam daw niyang gusto ko rin ang pag-arte. Hehehe!”

Bago nanalo sa Urian, naiuwi na rin ng aktres ang mga karangalan bilang Best Actress sa 11th Cinemalaya Independen­t Film Festival; Special Jury Mention sa London East Asia Film Festival; Hanoi Internatio­nal Film Festival sa Hanoi Vietnam; Asia Pacific Screen Awards sa Brisbane, Australia; Oporto Internatio­nal Film Festival (Director’s Week Section) sa Portugal, at Harlem Internatio­nal Film Festival sa New York, USA.

At dahil hindi pa niya natatangga­p ang trophy ng URIAN, photo ng anak niyang si Baby Maya ang ipinost niya sa kanyang FB page at nilagyan ng caption na, IKAW ang TROPHY ng buhay ko!”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines